Chapter 22

10.9K 750 297
                                    

Chapter 22:

The Avoidance

INIISIP ni Blair na umipat na lang ng ibang university. O huwag na lang mag-college. Para maiwasan at hindi lang makita si Jack.

Ngunit sa tatlong oras niyang pagbubuklat ng mga listahan ng puwede niyang lipatan na university, wala siyang mahanap na katulad sa nabibigay sa kanyang exclusivity and privacy ng Lady Catalina!

Naiinis na hinawi niya ang mga nakakalat na college brochures paalis ng kama. Tumayo siya at walang pakialam na tinapakan ang mga iyon. She stomped her feet over and over.

"Argh! Damn it!" naiinis niyang singal at patuloy lang ang paggawang pagtapak-tapak sa mga iyon.

Bakit ba sa lahat ng university sa Pilipinas, sa Lady Catalina din naisip ni Jack na pumasok? Alam ba nitong nakabalik na siya ng Pilipinas since last year? Alam ba nitong doon siya nag-aaral at sinusundan siya nito?

But nonsense! Bakit nito susundan ang taong nanakit dito? Sinaktan niya na nga ito at pipiliin pa rin nitong sundan kung nasaan siya? That's stupid of him, if that's true! Stupid and desperate!

Saan siyang lilipat ng school ngayon? Saan na katulad sa Lady Catalina na hindi siya pinapansin ng mga tao at payapa niyang nauumpisahan ang mga plano?

Her bedroom phone rang. Ngunit hindi niya iyon sinagot hanggang sa napunta na iyon awtomatiko sa voice message.

"Hi, Chrisee! First day of college class tomorrow!" umalingawngaw ang boses ni Venice.

Natigilan si Blair sa ginagawa.

"I'm excited! Don't be late, ha! Sana sa lahat ng subject, puwede tayong magkatabi. By the way, I finished writing the mystery-romance novel that you dared me to write! Papabasa ko sa'yo, okay? Tapos, ahm... kapag nakapasa sa taste mo... Should I start submitting it to a publishing company na?" Natawa ito. "Basta! Basahin mo muna. See you tomorrow, Chrisee!"

The voice message ended. Napabuga ng hangin si Blair. Umupo siya sa gilid ng kama. Nag-isip.

Kung tutuusin, kayang-kaya niya rin iwan si Venice katulad ng ginawa niya kina Summer. Pero si Venice na nga lang ang kaibigan niya na hindi mausisa sa buhay niya. May tao pa ba siyang mahahanap na katulad nitong tanggap lang ng tanggap kung anong sabihin niya rito?

Kinuha niya ang notebook kung saan nakasulat ang mga plano niya. Naumpisahan niya na. She got to keep on track. Kundi, mas tatagal pa lalo ang resulta...

Pumikit si Blair at huminga nang malalim. Nag-isip. She saw Jack and all their memories two years ago...

Tumunog ulit ang telepono. It went straight ahead to the voicemail.

"This is Hank, Blair," a sexy voice came. "I'm available tonight. Call me back."

Then, another voicemail.

"Talked with Hank, Blair," si Wade. "He'll go for the threesome. Game? Call me back."

Dinilat niya ang mga mata. Ibinalik siya sa totoong mundo niya. Now, she knows what to do.

Tumayo siya at inabot ang telepono. She called Hank and Wade back.

Kinabukasan, sadyang inagahan ni Blair ang pagpasok kahit alas-tres nang madaling araw na siya nakauwi kanina.

"Excuse me," she asked the campus guard. "I heard maagang nag-assembly today ang LiberArts Newspaper team? Where can I find their main office?"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon