Chapter 31

12.5K 765 312
                                    

Chapter 31:

The Calmness

"MATAGAL ko nang gustong manghingi ng patawad sa nangyari ten years ago. Actually, the day after that incident, hinintay ko ang pagpasok mo. Pero hindi ka na ulit pumasok ulit at sabi ng adviser natin, kailangan mo daw agad mag-transfer ng ibang school..." Napayuko si Athena, nasa boses pa rin ang pagsisisi at hiya. "Jacquin, h-hindi ko alam na ginulpi ka pa pala ng mga kaibigan ni Vince after... Nalaman ko na lang nang nakipag-break ako sa kanya at galit na galit siya. He told me what his friends did to you, lalo akong na-guilty. You won't get hurt if it's not because of me."

Jack quietly sipped his coffee while patiently listening to Athena. Nang tumahan na ito kanina, inaya siya nitong kumain muna sa isa sa mga restaurant ng club resort. Gusto pa daw kasi nitong makipag-usap upang makapagpaliwanag ng maayos. Tumanggi pa siya ng una dahil para kay Jack, ayos naman na ang lahat at hindi na nito kailangang bumawi dahil napatawad niya na ito, matagal na. But Athena insisted. Baka daw itong pagkikita nila ng hindi inaasahan ang tanging oportunidad nito para magka-closure ang nangyari noong mga bata pa sila.

"Tinanong ko sa adviser natin kung saan kang lumipat na school o kaya ang address mo, pati ang landline number mo na lang. Because I really want to apologize to you sincerely, to explain everything, and to let you know how I regret everything. But your father didn't want to disclose any information about you. May pinapirmahan daw sa faculty at sa buong administration ng school na contract para manahimik sa kung nasaan ka. Ayaw na ng family mo na may makaalam sa kahit sino sa school natin ang anumang tungkol sa'yo for your own safety..."

Tumango lang si Jack. Hindi niya alam 'yon pero hindi na rin naman siya nagulat. His parents are cool parents. But once triggered, they get overprotective and strict.

"I tried to find you until I graduate from high school. Nagtanong-tanong ako sa iba kong kaibigan na nasa ibang school kung sakaling may nag-transfer sa kanila. Pero wala talaga. I decided to just give up. I also wished na sana kung nasaan kang school, wala na sanang mang-bully sa'yo at makahanap ka ng totoong kaibigan. Iyong hindi ka na gagamitin katulad ko..."

Napasinghot ito. "Sorry talaga, Jacquin... Aaminin kong naisip ko talaga sa umpisa na makipag-close sa'yo noon para tumaas ang grades ko. Sobrang slow ko kasi talaga, natatakot akong mapag-iwanan. So I found an easy way through you. Kaso, habang patagal nang patagal mo kong tinutulungan, ang bait mo palagi sa'kin. Hindi ka umaangal, hindi ka nagpapakita na pagod ka na sa pagtulong, tapos lagi ka pang nakikinig sa'kin kapag may sinasabi akong problema sa bahay namin.

"Sa sobrang bait mo, na-guilty na 'ko. Ayoko nang gamitin ka, gusto ko na lang maging totoong kaibigan mo. Kaso nakahalata si Vince na hindi na lang ako nagpapanggap sa pakikipaglapit sa'yo. He got extremely jealous of how I spent more time with you than him. Hindi ko alam na pinamanmanan ka niya sa friends niya... Until they found out that you would confess to me. And then... and then..." Napahikbi na naman ito.

Inabutan niya agad ito ng tissue. Habang pinapakinggan niya ito, mas nasisiguro lang ni Jack na tama pa rin ang pagkakakilala niya kay Athena noon. She's a nice girl. Nagkataon lang din siguro na dati, pulos bad influence ang mga nakakasama nito.

"Natatakot din kasi ako kay Vince. Kaya ko lang naman siya naging boyfriend noon kasi sabi ng buong school bagay kami. I was the prettiest and he's the popular guy. Sa isip ko tuloy, natanim na baka nga dapat kami talaga. So, when he courted, sinagot ko siya. Tapos saka ko lang nalaman na ang bully niya pala. I'm too afraid to break up kasi baka saktan niya rin ako." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "The day you confessed to me; I was really shocked. Sabi kasi ni Vince, kaya mo daw ako inayang makipag-usap kasi aamin kang may gusto ka sa'kin. Ayaw kong maniwala. Kaya sabi niya, magtatago daw sila ng mga kaibigan niya sa malapit. At kapag umamin kang may gusto ka sa'kin, he'll come out daw to rescue me, pero dapat sabihin ko rin daw ang totoo kung bakit ako nakipaglapit sa'yo. Um-oo ako kasi sigurado hindi ka naman magko-confess kaso..."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon