Chapter 56

9.7K 676 196
                                    

Chapter 56:

The Finish Line

Year 2019.

AFTER her father-in-law's purposeful visit, Blair has been rethinking about her spiritual perspective. Tumahimik na kasi si Jack at pulos tungkol sa pagbubuntis lang ang pinag-uusapan nila. Dumating sa puntong, once a month na lang siyang mag-update tungkol sa pregnancy niya at tinatanggap lang nito kung anong sabihin niya.

       Jack never asked again about her future plans. Tinigil na rin nito ang pagtatanong kung kailan siya uuwi.

       Naisip niya, ganoon pala si Jack kapag pagod na. Nag-a-update din naman kapag kinakumusta niya. But when she's not asking, he's silent as well. Sa mga kamag-anak na lang nakasasagap si Blair ng additional activities ng asawa.

       According to Tita Bella, Jack's been closing a lot of big deals for the corporation lately. Si Venice naman, nakikita raw nito palagi sa simbahan si Jack bilang volunteer every Saturday for an all-male ministry. Mukhang maayos naman daw si Jack at mahalubilo sa tao.

       Daddy Josias said that she doesn't have to worry about Jack in the Philippines. Siguradong-sigurado raw na kahit hindi na umiimik si Jack, siya pa rin ang mahal ng asawa.

       "Jacquin has always been ready to let you fly if you asked him to. Even it means he has to wait again because you need to fly alone. Nagtitiwala lang siya sa Panginoon na kung saan ka man mapadpad, pauuwiin ka pa rin Niya pabalik kapag oras na. Ilang beses naman na raw iyong nangyari sa inyo..." Daddy Josias even assured.

       Yeah. Even when she thought it's impossible anymore, sila pa rin ni Jack ang nagkikita sa huli.

       Actually, Blair would always check on Jack's profile too. Hindi ito ma-post pero nakikita ang mga photos na naka-tag dito. He made a lot of male friends in church. Mukhang nag-e-enjoy sa ministry at discipleship.

       So, is that what he's saying? He can get by as long as he's faith is intact... His spiritual growth would continue with or without her.

       Napabuntonghininga si Blair. Nahimas niya ang malaking tiyan. She's going to give birth anytime that month now. Nasabi naman niya iyon kay Jack. Wala pa itong reply kung pupunta ito at sasamahan siyang manganak.

       "Blair?"

       Napalingon siya at nakita ang inang sumilip mula sa labas ng pintuan ng sariling kuwarto. "Mama. Do you need anything?"

       "Can I come in?" Bridgette softly asked.

       Tumango lang siya. Hindi na masyado makakilos si Blair dahil sa laki at bigat ng dinadala.

       Umupo ito sa tapat niya at hinaplos ng marahan ang kanyang tiyan. "You're giving birth in full term. I'm proud of you," Bridgette said.

       "Thank you..."

       Hindi niya pa rin alam kung ano na bang estado ng relasyon nila ng ina.

       Basta't inaalagaan niya ito. Siya ang kinakausap lagi ng doktor sa kondisyon nito. That one time that her mother forgot who Blair was, isang beses pa lang naman nangyari. Tuloy-tuloy pa rin ang treatments nito sa Alzheimer's. Mukhang lumakas din ang pangangatawan nito magmula nang maging cancer-free, subalit bumabagal ang mga kilos dala ng pagka-ulyanin.

       "I gave birth to you premature. Marami akong iniisip na problema noon kahit ipinadala ako sa Germany nina Papa," pagkukuwento bigla ni Bridgette. "Kulang ka ng dalawang buwan, pero lumaban ka. Ever since you came out from my womb, you're a fighter, Blair..."

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon