Chapter 44

10.8K 638 174
                                    

Hello! Beauty & Wonder and Belle Ame (A Beautiful Soul) will be published next year. We will start accepting pre-orders on January 15-20, 2022. I hope you can buy your own copy! Thank you and God bless!

***

Chapter 44:

Suspicions and Secrets

GOOD morning, babe. I'm sorry for last night. :( I made breakfast for you. Dadalhin ko sa office. See you. I love you.

Pagkatapos mapadala ni Blair ang text message para kay Jack ay nagsimula na siyang mag-ayos ng sarili. Six AM pa lang pero nakaligo at nakapag-prepare na siya ng agahan para sa asawa.

Hindi niya hinayaan ang sariling umiyak kagabi. Umuwi lang naman si Jack dahil pinauwi niya, pero hindi ibig sabihin ay hiwalay na sila. Lalo na't araw-araw pa rin silang magkikita sa trabaho.

Mga alas-kuwatro ng madaling araw naman siya nagising at naisip niya ngang suyuin na lang ang asawa sa opisina. For the first time, she's putting on some make-up and fixing up her hair for work. Maaga siyang papasok at magkukulong sa private office para walang makakita sa kanya kundi si Jack lang. At kapag ayos na silang mag-asawa ay saka niya buburahin ang make-up at ipupusod ang mahabang buhok.

Nagkakabit na siya ng high heels nang mag-reply si Jack.

Good morning. Okay. See you.

Napalabi siya nang wala mang "babe" or "I love you too". Mukhang nagtatampo pa rin sa kanya ito. Nag-reply siya ng tatlong kissing emoticons bago lumabas ng unit bitbit ang basket kung saan nakalagay ang pang-agahan na inihanda.

Pagdating sa opisina ay wala pa ngang katao-tao. She looked at her reflection on the glass wall, to make sure she looked fresh and all pretty. Ginandahan niya rin ang suot na bestida—a red bodycon dress with three-fourth sleeves. Inayos-ayos niya pa ang curtain bangs at ang kulot sa dulo ng buhok bago dumiretso sa private office nila ni Jack.

Mukhang may tao sa loob dahil nakabukas na ang ilaw at lumalabas ang lamig ng aircon mula sa hindi mabuting pagkakasara ng pinto. Is it the janitor?

Bumagal siya sa paglalakad at nakarinig ng mababang boses na nag-uusap mula sa loob.

"Stay away, then, Mr. Valleroso."

Napakurap siya. It's her brother's voice!

"Alright," she heard Jack agreeing.

Agad na pumasok si Blair nang hindi kumakatok. Sabay pang lumingon ang dalawang lalaki sa kanya na mukhang nasa kalagitnaan ng seryosong pag-uusap. Kuya Bari was able to hide the shock on his face, while Jack was obviously surprised.

"You're early, Blair..." sabay tingin ng asawa sa table clock.

Tuluyan na siyang pumasok at sinara ng mabuti ang pinto, kinandado.

"I didn't expect na maaga ka ring papasok. Ipe-prepare ko sana ang pagkain sa table mo. And I dolled up, so I need to come early before anyone sees me this beautiful."

"I see..."

Lumapit siya sa desk nito, dumaan sa pagitan ng dalawang lalaki.

"Ikaw lang ang gusto kong makakita na maganda ako ngayon, pero bakit..." Bumaling siya sa kapatid. "Bakit nandito ka, Kuya?"

Nakakunot ang noo nito nang yukuin siya. "I set an early private meeting with Mr. Valleroso."

"What's the agenda?"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon