Chapter 48

8.8K 661 127
                                    

Hi! Thanks for waiting this long. 

A little life update: After my complicated dental problem, I'm finally healed. Also, starting next week, I'm a full-time writer! Yey! I don't know if where this will lead me (actually, may plans naman hehe) but I'm still going to ask for your support as I start my freelance writing journey.

I'm going to update most of the time, kaya sana makasama ko pa kayo hanggang sa ending ng Good Riddance. I know lagpas one year na 'tong on-going, but thank you for always patiently waiting. <3 Hindi na tayo mabibitin ng matagal for the next updates.

For those who were asking, until Chapter 60 pa po ito. Thank you! See you on the next update! God bless!

-FGW


***

Chapter 48:

Silence and Signs

"MA'AM Blair, magpahinga muna kayo. Kanina pa po kayo nagbabalat ng mais. Baka po mag-alala na naman ang senyorito."

Nilingon ni Blair ang nagsalita. "I'm okay, Manang. Nakaka-87 na corns pa lang naman ako."

Nanlaki ang mata ng matandang namamahala sa mga bagong tabas na mais. Tinuro ang kamay niyang nagsisimula nang mamula. "Ma'am!"

Blair just chuckled and continued peeling the newly harvested corns. Masyado lang maingat ang mga tauhan sa kanya dahil alam ng mga itong asawa siya ng "senyorito". Pero araw-araw naman niyang ginagawa iyon.

For the past three months she's living in Monte Amor—specifically in Hacienda Salamanca, she got bored eventually. Wala siyang mahanap na pagkakaabalahan. Kaya minsan, nang makita niya sa tapat ng bahay ang mga dalagang nagbabalat ng mais, naisip niya, kaya niya rin sigurong gawin iyon.

And yes, she could! Nakaka-arm exercise pa siya dahil may kasamang puwersa ang paghihiwalay ng mais sa balat. Pagkatapos ay tatanggalan nila ng mga hibla. Ibebenta ang mga iyon sa merkado o kalapit na mga bayan ng Monte Amor. Kung maramihan at malakihang export, iba naman ang process para roon.

"Kapag naka-200 ako today, may 400 pesos ako," nakangiting sabi ni Blair kay Manang.

"Ma'am, ano naman pong gagawin niyo sa 400 pesos?" singit ng dalagang katabi niya.

Nagkibit-balikat lang si Blair at pinagpatuloy ang pagbabalat ng mga mais. Nangangati at medyo mahapdi na nga ang mga kamay pero nasanay na yata siya. Okay na 'tong pampalipas ng buong maghapon kaysa hihintayin niya si Jacquin na matapos sa trabaho.

"Hindi ka ba binibigyan ng pera ng senyorito, Madam?" singit ng isa namang dalagita, na katorse pa lang pero nagtatrabaho na para sa pamilya nito at pag-aaral.

"Hindi," ngisi niya.

Pero bakit naman kasi ito magbibigay kung lahat ng kailangan at ipabili niya ay binibili na nito? Sobra pa sa kumpleto ang mga gamit at pagkain nila sa bahay. Tuwing Linggo rin, pagkatapos nilang magsimba, pupunta sila sa country mall sa kabilang bayan at hinahayaan siya nitong mag-shopping ng kahit ano.

"Pero hindi naman po madamot ang senyorito, hindi ba po?"

"Of course not. He provides in a different way. He's very generous."

"Lagi ngang bago ang damit niyo, Madam! Ang ganda-ganda niyo po palagi. Bagay kahit ano..."

"Thank you," ngiti niya sa mga kasamang dalaga.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon