Chapter 35

11.9K 759 296
                                    

Chapter 35:

The Search

Year 1999.

"MAMA wanted you to take this, Jacquin."

Napakurap si Jack nang makita ang paboritong bracelet ng kanyang Lola Lass. Noong nabubuhay pa ito ay lagi nito iyong suot at wala siyang natatandaang pagkakataon na hinubad nito iyon kahit minsan. "That's... that's..."

Masuyong ngumiti ang Daddy niya habang nakatingin sa hawak na gold link bracelet. "This was Papa's first ever gift to Mama. Ang kuwento sa akin ay mahalaga sa kanilang dalawa ito."

"Bakit sa akin po ipapamana ni Lola?" nagtatakang tanong niya. "Bakit hindi po kay Raqi? O kina Ate Vanya?"

His father shrugged. "Basta ang bilin daw ng Mama ay sa iyo ibigay. Ang sabi nina Kuya ay ikaw daw ang madalas kakuwentuhan sa telepono ng Mama. Tuwang-tuwa daw sa kuwento mo tungkol kay Blair..."

Nahihiyang napayuko si Jack. Napangiti. "Ang sabi ko nga po kay Lola, ipapakilala ko sana sa kanya si Blair..."

Speaking of, ngayong tapos na ilibing ang kanyang lola, puwede na silang bumalik ng Maynila at magkikita na ulit sila ni Blair. Babawi siya sa nobya na hindi niya nakasama ng mismong kaarawan nito.

"Well, God must have a different plan. Kahit hindi nakilala ni Mama si Blair, mukhang natutuwa siya sa first girlfriend mo. Kaya siguro sa 'yo gustong ibigay ang bracelet na 'to. Take care of this, anak. Puwede mong ibigay kay Blair sa takdang panahon."

"Anong takdang panahon, Dad?"

"You know," Ngumisi ito at humalukipkip. "If ever she'll be your future wife."

Nag-init ang magkabilang tainga ni Jack. "Daddy!"

Josias chuckled and patted his son's head. "As long as you prioritize your studies, I won't mind your relationship with Blair. After all, hindi naman na bago sa pamilya natin na ma-associate sa mga Delos Santos. Blair's grandfather was Papa's richest private patient before. At ako ngayon ang heart doctor ni Santino."

Nanlaki ang mga mata niya. "P-Po? Kilala niyo po ang Papa ni Blair?" gulat si Jack. His father never mentioned about it! At si Lolo Arc din?

"Ah, akala ko ay alam mo. Kaya kita inilipat sa bago mong school ngayon dahil nabanggit lang ni Santino na doon nag-aaral ang babae niyang anak. Naisip ko ay doon na lang din kita ipapasok. Hindi ko naman akalain na si Blair pa mismo ang magiging unang girlfriend mo."

Ipinatong na ng ama sa kanyang palad ang bracelet. "Anyway, you're still both young. Keep your Lola's bracelet until you're old enough to promise forever like your Lolo Arc to your Lola."

Hindi na sumagot si Jack. Sa isip niya ay sana nga umabot silang magkasama ni Blair hanggang sa tumanda na silang dalawa. He witnessed his grandparents' love that aged so well until their deaths. Jack loved that. It warmed his heart to witness such great and long-lasting love and marriage.

Hanggang sa ngayon ay nakikita niya ang ganoong klaseng pagmamahal sa mga magulang at iba pa nilang kamag-anak. Sana... sana ganoon din sila ni Blair. Kahit mga bata pa silang nag-umpisa ngayon, sana'y magtagal. And Jack knows that he truly loves Blair because when he thinks about his future, Blair is always there. Pag-aaral muna ang nais niyang isipin pero sa mga pagkakataong nagpapahinga siya ay si Blair at ang ang magiging kinabukasan nila ang nasa isip niya.

Jack's smitten. So hard, he never thought a very beautiful, sweet, and sincere girl like Blair Delos Santos would fall for someone like him. Ilang buwan pa lang silang magkasintahan pero, hindi pa rin siya makapaniwala...

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon