Chapter 50

13.2K 811 170
                                    

10 chapters left! Please, read at your discretion

***

Chapter 50:

Ending and Beginning

"I'M NOT SORRY. Wala pa 'kong pinagsisihan sa mga inutusan kong patayin at mismong pinatay ko," walang emosyong sabi ni Kuya Sandro.

Binisita ni Blair ang kapatid pagkatapos nang naging hatol kay Wade.

Napalunok siya at napaatras sa kinauupuan. Alam na niya lahat ang pinagdaanan ng kapatid niya. Alam na niya kung bakit ito naging masama. At ngayong nakakulong na ito, wala pa ring pagsisisi...

Dahil siguro may mga nakaraang sugat pa ring mas matindi kaysa sa pagsisisi. May sakit na nanunuot pa rin, nangingibabaw kaya't mas matimbang pa rin ang pakiramdam na makapaghiganti.

"I was not raped by them."

"But they molested you while unconscious. I read the detailed confession of that fucking Wade Armedilla! Kung saan ka hinawakan, hinalikan, dinilaan—putangina, wala akong pinagsisisihan! Added the fact that they were part of a rival syndicate. Matagal nang nakaukit sa lapida ang mga pangalan nila bago ka pa nila pagtangkaan!"

Napalunok siya. Naglabas nga ng mas detalyadong salaysay si Wade sa mga nangyari at nakita nito. Dahil nagtugma ang mga sinabi ni Wade at Kuya Sandro sa pisikal na ayos niya noong gabing iyon—dumagdag pang naalala niya rin ang mismong tagpong iyon, tinanggap na ang testimonya ni Wade ay sapat para sa lahat ng nangyari nang gabing iyon.

No wonder Blair can't remember anything about the part where Walter and his friends could have assaulted her, because she was sleeping the entire time. At ang naririnig-rinig niyang mga boses at tawanan, kaya't hindi ganoon kabuo at kalinaw dahil posibleng half-concious lang siya.

Napagtagni-tagni ni Dra. Alicante na kaya lumabas noong anniversary nila ni Jack na gusto niyang mag-foreplay habang natutulog ay dahil nangyari sa kanya iyon. Her body responded to the trauma—that she's not aware of. Kaya niya nasaktan si Jack dahil iyon din siguro ang gusto niya talagang gawin noong nangyayari ang insidente kasama sina Wade.

"At ang Wade na iyon? He's your main abuser! Ayos lang sa 'yo na makulong siya ng ilang taon? O naaawa ka dahil sa huli ay iniligtas ka niya? Bullshit! Baka nga gawa-gawa lang niya iyon para bumaba ang sistensya niya! For all we know, Wade just wanted you for himself again. Kaya niya pinatumba ang mga iyon para masolo ka ulit! Pero nagising ka na at nagtatakbo paalis!"

"Kuya, he sent you the text message by my phone. Kaya hindi ko maaalalang nag-text ako sa 'yo noon dahil hindi naman talaga ako ang gumawa. Si Wade. At natatandaan ko ngang ginigising niya 'ko at inutusang umalis sa hotel room na iyon."

"Your memory might be playing with you according to his story!"

They all considered it. Blair must attend more psychiatric sessions with Dra. Alicante just to make sure she's recalling true memories after hearing Wade's testimony. Totoo lahat iyon. Kaya pala, patalon-talon at kaunti lang ang natatandaan niya. Because those were just the times that she's awake.

Blair sighed and looked at his brother. Sa mga mata nito, nandoon ang dating nasa mga mata niya rin. Sa tuwing haharap siya sa salamin.

Galit. Poot. Sakit...

"You know, the only regret that I'm feeling right now was I only ordered my men to kill them. Hindi pa sapat na ako ang nag-utos. Dapat ako ang mismong naglibing sa kanila ng buhay noon, nagbaon ng malalim na malalim sa lupa! Lalo na ang Wade na iyon? Sinong mag-aakalang makakabangon sa hukay iyon?

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon