Chapter 15

9.7K 193 55
                                    

Nakapikit akong nag mememorya ng return demonstration sa roof top. Maaga akong pumasok sa skwelahan para makapag-aral pa ako ng kaunti bago ang sunod-sunod na klase.



Hectic ang schedule naman dahil halos major ang subjects, isingit pa ang duty sa iba't-ibang area ng hospital.






Narinig kong may hakbang na paparating pero hindi ko iyon pinansin, nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita ng mag-isa habang ini-imagine ang procedure.




"Babe?"




Dumilat ako ng marinig ang boses ng lalaki. Nakatayo sa harap ko si Neo at nakangiting tinitingnan ako, may dala-dala siyang dalawang inumin na nasa baso.




"Ba't andito ka? Wala ka bang pasok?" kunot noong tanong ko sa kanya.




"I wanted to see you" seryoso niyang sabi, inabot niya sa akin ang isang baso. Mainit ito kay nilapag ko kaagad sa sementong upuan.




"Kakakita lang natin kahapon babe" nakangisi kong sabi sa kanya.





Lumapit ang lalaki sa akin saka niyakap ako, "Nami-miss kita sa tuwing hindi kita nakikita".




Humagikhik ako, ang corny man pakinggan pero ang cute. Hinalikan niya ang noo ko bago humiwalay sa akin. "I love you babe" he said.



"I love you too babe..." mahina kong sabi.



Ibinaba ng lalaki ang kanyang tingin sa librong nasa gilid ko, "Aral ka na ulit babe".



Tumango ako sa kanya, tinabihan ako ng lalaki. Sumimsim siya ng kape na binili niya saka kinuha ang isa sa mga aklat ko, nakita kong binuklat niya ito. Tumingin ulit ako sa minememorya ko saka nagbasa ulit ng mga rationale at sinaulo ito.




Maya't-maya ay narinig kong tumikhim ang lalaki, nilingon ko siya and to my horror nakita ko ang  side notes ni Carlisle sa libro na puno ng kabastusan. Ngumiti ang lalaki ng nakaloloko habang tinititigan ako.





Umiling-iling ako, "That's not mine"




"Babe, is this how you memorize the cranial nerves?"




Umiling ako ulit. "Hindi akin yan babe, kay Carlisle yan. Inipit niya lang sa libro ko" paglahad ko sa kanya.





"Oh Oh To Touch And Feel?" kunot noong tanong niya pero halatang patawa na siya sa akin.




Umiling ako ulit. "Dapat velvet yan babe, pinalitan lang ni Carlisle" pagrarason ko.




"And why are you sketching a-"




Dinukot ko kaagad ang libro. "Hindi rin yan akin, kay Carlisle yan!"




The man chuckled. "I didn't know your are a naughty woman"




Dinapuan ako ng hiya, kahit hindi naman iyon akin sa ay nakadikit pa rin ang side notes sa libro ko. Sasakalin ko talaga si Carlisle mamaya, walang hiyang babaeng yun. Iniwas ko ang tingin dahil nagsisimula ng uminit ang pisngi ko.





"No! I'm not" humarap ulit ako sa binabasa ko.




Kinuha ni Neo ang baso na may lamang hot choco at nilagay sa gilid niya, mas lumapit pa siya sa akin. I felt his burning stares while he was leaning on me, and the moment I glanced at him our eyes locked to each other. My breathe hitched when I realized that we were really closed to each other, his eyes went down to my lips then back to my eyes. Mukhang humihingi ng pahintulot o nilalandi ako ng tingin niya.




Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now