Chapter 12

8.7K 207 64
                                    

Mabilis ang takbo ng panahon at exam na naman namin sa finals, kaunting push na lang ay mag ti-third year na ako. Excited pa naman akong mag duty sa OR at psychiatric ward.



Naging abala ulit ako sa pag-aaral, wala ng extra-curricular na ganap sa buhay.




Naging mas malapit rin ako kina Kairos, Carlisle at Mayari, sumasama na rin ako sa kanila sa tuwing kakain sila sa labas o simpleng pasyal lang.
Game naman si Tatay Karding na sumama sa amin, ang sabi pa niya matitino daw ang mga kaibigan ko at nakikita niyang mahal nila ako.



I haven't seen Calysto for a while, huling beses naming nagkita ay pagkatapos ng party ng kapatid niya. Minsan tinitext at tinatawagan niya ako, abala siya sa law school dahil nag e-exam din at halos araw-araw ay nagsusunog siya ng kilay.




Si Tan naman, minsan tumatambay siya sa round table malapit sa Nursing building kasama ang mga kaibigan niya pero hindi ko na siya pinapansin. Nagtitext siya sa akin at tumatawag pero hindi ko na nirereplyan at sinasagot. Ilang buwan na rin kaming hiwalay kaya hindi na ako apektado sa kanya, kahit na makita ko pa sila ni Peach mag lampungan sa tabi ay wala na akong pakealam.



"Last day na talaga!" masayang sabi ni Mayari habang nag-iinat.



Nasa cafeteria kami ngayon, nagpa deliver ng maraming pagkain ang boyfriend ni Mayari kaya busog na busog kami ngayon. Buti na lang may mayamang jowa ang babaeng 'to, nakalibre pa kami.





"Bye Love!" kumaway pa siya sa harap ng cellphone bago niya ito tuluyang pinatay.



"Na all may love life!" si Carlisle sabay irap kay Mayari.



Nginitian naman siya ni Mayari ng matamis. "Makakahanap ka rin" inakbayan siya nito.



"Tara na sa huling exam!" sambi ni Kairos, nauna siyang tumayo sa amin. Mukha yatang masama ang timpla ng lalaki ngayon, baka hindi sila nagkita ng bestfriend niyang nasa architecture.



"PMS yarn" bulong ni Carlisle.



Nagtawanan naman kaming tatlong babae. Pag kami talaga magkasama apat ay na bu-bully talaga si Kairos, pag wala naman si Kairos ay si Carlisle. Hindi ko magawang ma bully si Mayari kasi ang bait, baka mapunta pa ako sa impyerno.



Sabay kaming pumasok apat sa classroom, napatingin pa nga lahat ng mga kaklase namin sa amin. Isa-isa kaming naupo sa assign seats. Last na talaga at makakapagpahinga na ako at makakatulog ng maaga.



Matapos kaming nag exam ay dumiretso kami sa pag-uwi, medyo naubos talaga ang huling juice sa utak ko dahil sa hirap ng exam. Wala nga kaming imikan paglabas ng classroom.



Habang naglalakad kami ay napansin naming nakatayo si Tan sa gilid ng hallway, mukhang may hinihintay yata.




Lalagpasan na sana namin siya pero bigla na lang siyang nagsalita.



"Pwede ba kita maka usap Bel?" mahina niyang saad.



Napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko siya saka tinitigan mula ulo hanggang paa, iniwas ko ang aking tingin bago ako nagpatuloy maglakad.



Ayoko na talaga kausapin ang gagong Tan na yan. Naramdaman kong sumunod siya sa amin pero natigil ito ng nilingon siya ni Kairos. Pareho lang sila ng laki ng katawan pero may katangkaran lang talaga si Kairos.



"Mauna na ako" masayang sabi ni Carlisle, kasalukuyang tinatakbo ang sasakyan na sumusundo sa kanya.




"Una na rin kami Pres" si Mayari, pinagbubuksan na siya ng pinto ni Kairos.



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now