Chapter 26

8.2K 181 70
                                    

"Don't worry pre! Nagawan ko na yan ng paraan!"

"Ohh yes!" he chuckled, "Hindi na yun makakabalik, Karding is already in the grave, six feet under" he said.

"My daughter? I think she's okay! I haven't seen her."

I covered my mouth when I created a sound while crying. Nakita kong nagpalinga-linga si Dad, itinago ko ulit ang sarili. Nang makita kong tumigil siya ay napabuga ako ng mahina. My other hand formed a fist, galit ang namumuong emosyon ko ngayon.

"The CD was not true, niloko lang tayo ni Karding"

"Of course, tayo-tayo lang Pre!"

Each words he said intensified the madness I felt. Mula sa panalalamig kanina ay nag init ang ulo ko pati tenga. Pakiramdam ko tumataas ang blood pressure ko.

"I'm working on Gigi's last will"

That's my mother's nickname, why is he working on that?

"Pinatanggalan ko ng break. Hindi na kailangan ng baril para pumatay"

I continued crying. Pakiramdam ko ay unti-unting sinisigop ang naiiwan kong lakas habang pinapakinggan siya. How can he do that to Tatay Karding? After how many years Tatay served us? Tapos ganito? Bigla-bigla ko na lang malalaman ang rason kung bakit kami naaksidente ni Tatay?

Alam niya rin na nakasakay ako doon. Nang dahil sa kanya, hindi lang isang tao ang nawala...pati rin ang kanyang magiging apo.

"Sige na Pre!" huli niyang sambit, bago ibinaba ang cellphone. Nakita ko pa siyang may kinuha sa drawer, nakangisi siyang hinahawakan ito.

Sa loob ng ilang taon akong nabuhay ay ngayon ko lang napagtanto na sana ay matagal ko ng iniwan si Daddy. Sana nagpaka selfish nalang ako at sana hindi na ako nag alala na siya na lang ang maiiwang mag-isa kung wala ako.

Someone called him again, he quickly answered it. This time the tone of his voice was calm and serious, "Yes! I'll be there...papunta na ako" ibinababa niya ang hawak-hawak niya kanina saka nagmadaling lumabas ng opisina.

I waited several minutes...baka bumalik pa siya ulit at makita niya ako. Nang hindi na siya bumalik ay napatayo ako kaagad. Pinalis ko ang mga luhang kanina pa tumutulo sa mukha ko, my dad is not just cruel but his a monster. And Neo's first description to him was accurate.

Lumapit ako sa lamesa niya and I saw a bank book, dinampot ko ito at kunot noong binuksan. While scanning the pages my mouth parted, napalunok ako at napakurap sa halaga ng pera doon.

Ibinaba ko ang tingin sa mga naiwang papel sa lamesa, I quickly scan it.

"Demeter Angelgyn Ovidares-Lacsamana" pagbasa ko. It was my mother's whole name, sa baba nito ay nakasulat ang pangalan ko. It was her last will and testament and it says all her properties, savings in different banks and businesses will be left to her only daughter. And that's me....

Nagpatuloy ako sa pagtitingin ng dokumento at pagbabasa nito. I didn't know that my mom is super rich. She's richer than my dad pero bakit siya nag layas at iniwan ang mga yaman niya dito. If she left for good, dapat ay dalhin niya ang mga pera'ng ito para mabuhay siya.

May kinalaman ba ang pag kamatay ni Tatay sa mga ito? Bakit? Did he knew something na kinatatakutan ni Dad? Why did he killed him? Kunot noo kong iniisip, gulong-gulo na ako.

I wanted this to be over, I wanted to be free today. Ayaw ko ng tumira sa bahay na ito, ayaw ko ng makasama ang halimaw na pumatay kay Tatay at sa anak ko. At ayaw ko na siyang makita but I needed to see him one last time. I need to vent out all the feelings I felt. I'm not a revengeful person, pero napapaisip ako na maghiganti sa lahat ng ginawa niya.

Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant