Chapter 3

10.3K 230 144
                                    

"Pres, ilalabas daw grades natin ngayon sa practical exam. Excited ka ba?" si Carlisle, nakakapit siya sa balikat ko at pareho kaming naglalakad papunta sa bulletin board ng Nursing Department.





Ngayong araw kasi daw ilalabas ang grades namin sa practical exam.





Alam kong nahirapan ako sa exam na yun pero confident naman akong nasagutan ang lahat ng tanong dahil nagbabad ako sa pag-aaral bago pumasok sa skwelahan, nag-aral pa nga ako sa roof top.







Malayo pa kami ay nakita ko na ang umpukan ng mga kaklase ko sa harap ng bulletin board, dali-dali kaming naglakad ni Carlisle at nakisiksik sa gitna.






Nang makita ko ang naka post ay biglang nagbago ang ekspresyon ko sa mukha.






"Pres! Congrats! Top 2 ka!" pagbati sa akin ni Carlisle, masaya ang kanyang mukha.






Ngumiti ako ng pilit, "Thanks" saka humarap ulit sa bulletin board.









Dalawang puntos na lang sana ay maabutan ko na si Mayari.







Nakakainis!






"Hoy! Besh! Congrats!" sigaw ni Kairos, kaya napalingon ako sa kanila na kanina pa pala na nasa likuran ko.







Mayari just smiled to us, yung ngiti niyang matamis pa rin. Nakakainis talaga!





I gritted my teeth, then formed a fist while walking out from the crowd. Syempre I didn't make it obvious, I didn't want them to see that I'm affected by the results.







I went upstairs, hinihingal ako ng makarating sa roof top. I throw my bag and books near the benches.





"Pota! Dalawang puntos na lang yun! Ang bobo mo Bel!" pagrereklamo ko sa sarili.




"Hinayaan mo na naman yun! Papagalitan ka na naman ni Daddy"







"Sisigawan ka naman niya!"







Sunod-sunod kong sabi sa sarili, napasuklay ako sa buhok ko gamit ang aking daliri at hinawakan ang ulo habang inis na lumulundag.






"Ang bobo mo talaga! Ang bobo-bobo mo Bel!"






I hissed bago tumigil sa paglundag at naupo na lang sa sementong sahig ng roof top.










Tiningala ko ang papalubog na araw, saka huminga ng malalim at ipinikit ang dalawang mata. Hay naku!






Papagalitan na naman ako ni Dad, ihahanda ko na naman sarili ko sa mga insulto niya at sakit na mapapala.






Idinilat ko ang dalawang mata ko at ibinababa ang tingin sa puti kong palda, itinaas ko ito ng kaunti para makita ang mga natamo kong pasa noong nakaraan. Medyo nanilaw-nilaw na ang mga kulay nito.






"What are you doing?"





I quickly shifted my gaze to the man who is currently standing in front of me, he's wearing a white long sleeve roughly folded to his elbow, the necktie was loosely tied, two open buttons and tucked in to black dress pants with designer belt, he is also wearing a black oxford shoes.





I bit my lower lip seeing him, ibang-iba ang pormahan niya ngayon sa unang araw na nakita ko siya. The seriousness of his face made him more handsome.





Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now