Chapter 24

8.2K 204 135
                                    

"Babe"

Agad kong nilingon ang lalaki, kanina pa ako nakaharap sa pinto niya, naka rehistro naman ang daliri ko para mabukas ang pinto.

Naging abala si Neo noong nakaraang araw kaya hindi kami masyadong nagkikita, dumadaan naman ako sa opisina niya kaso lagi ko siyang na aabutan na nakaharap sa laptop, iritadong may kinakausap sa cellphone at minsan ay nakatulala lang. Medyo pumayat rin siya, siguro dahil sa stress.

Nginitian ko ang lalaki, lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "I miss you babe" sambit niya, hinalikan niya pa ako sa ulo bago humarap sa akin.

"Akala ko nasa loob ka?" kunot noong tanong ko sa kanya. Pareho kaming nasa harap ng pinto ng kanyang Condo. "Ba't may pasa ka dito?" turo ko sa labi niya at sa may kaliwang kilay ng lalaki.


"Bumili lang ako ng ingredients sa baba babe, diba gusto mo yung spaghetti ni Mommy? Nagpaturo ako" wika niya saka inakbayan ako.


"Napaaway ka ba?" nakakunot noo pa rin ako, hindi niya kasi nasagot ang tanong ko kaya mas lalo akong nagtaka.


"Hindi naman masyado babe, katuwaan lang" saad niya. Binuksan niya ang pinto saka itinulak ako papasok, "Manood ka paano ko lutuin ang spaghetti ha? Para makapag luto ka kaagad kung gusto mong kumain" Inilapag niya ang ingredients sa lamesa.


"Hindi ko na kailangan matuto babe, andyan ka naman. Papaluto lang ako sayo" saad ko habang hinihila ang silya sa harap ng lamesa.


Tinitigan ako ng lalaki, "Paano kapag wala ako babe? Sino magluluto sayo?" tanong niya.


"Ehh di kakain ako sa labas tapos hihintayin kita umuwi para malutuan mo ako" wika ko.


Napakamot siya sa kanyang ulo, "Ayyy basta! Kahit ito lang, dapat matuto ka. Manood ka babe!" pag de-demand niya.


I hissed before I stood up. Naglakad ako at tumabi sa lalaki para marinig ng maayos ang instructions niya at para makita ang ginagawa nito.


"Madali lang naman ang pag gawa nito babe" sambit niya. Ibinigay niya sa akin ang kutsilyo pati ibang ingredients, "Slice mo 'to na pa ganito!" ipinakita niya pa sa akin kung paano ito hiwain.


"Madali lang yan!" wika ko, inagaw ko sa kanya ang kutsilyo pati ang mga lamas. Nanood lang ang lalaki sa akin habang naghihiwa ako, ngumiti ako ng malapit na akong matapos. "Ohh! Kita mo yan?" masaya kong sabi.



Umiling lang ang lalaki sa akin. "Pwede na." wika niya.


Nagpatuloy kaming dalawa sa pagluluto. Habang gumagawa siya ng sauce ay amoy na amoy ko ang aroma nito. Natatakam tuloy ako at kahit nasa lutuan pa ito ay naglalaway na ako. Neo continued giving me instructions, ako naman ay tango ng tango at sinasaulo ang sinasabi niya.



Nang maghain si Neo ay napapalakpak ako sa galak. Nilagyan niya ang plato ko at kahit nakikita kong umuusok pa ay nilantakan ko kaagad.


"Babe ma-"


Isinubo ko ito. Napabuka ako ng bibig ulit ng maramdaman ang init nito. Namuo ang luha sa gilid ng aking mata habang pinapaypayan ang bibig.



"Iluwa mo babe" agad tumayo ang lalaki at binuksan niya pa ang palad niya malapit sa baba ko para saluin ito.



Umiling ako sa kanya, sayang naman ang pagkain kung iluluwa ko lang, huminga ng malalim si Neo saka hinipan ang mainit na pagkain sa aking bunganga. Kalaunan ay naging malamig din ito, nginuya ko kaagad saka nilunok.



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now