Chapter 18

8.7K 167 34
                                    

Ang saya-saya ko noong ipinakita ko ang grades ko kay Daddy, wala kasi akong 1.75 ngayon. Halos grades ko ay puro 1.25 to 1.50, may mga uno rin ako. Nakatulong talaga ang pagsama ko kina Mayari at Kairos sa pag-aaral, hindi na masyadong nakakapag sama sa amin si Carlisle kasi bantay sarado siya ng body guard niya.


"Keep it up Bel! Sa susunod listahan na naman ng dean's lister ang ipakita mo sa akin" si Daddy bago siya tumalikod at sumakay ng kotse.



I nodded. Okay na rin yun kaysa pahirapan niya pa ako.



Nalalapit na ang founder's day namin kaya naging abala kami, may mga events na kasali ako. Naglalaro na rin ako ng chess, board 2 ako ni Mayari. Kasali pa rin ako sa debate team, si Carlisle naman sa E-Sports siya sumali.



Naging abala rin si Neo dahil ipapakilala na siya bilang bagong Campus President ng skwelahan, kaliwa't kanan ang meeting na dinadaluhan niya pero lagi rin naman kaming nagkikita kaso patago nga lang. Pumupunta pa rin ako sa office niya at sa condo niya sa tuwing mahaba ang vacant time ko.




"Tay, sa tingin mo mananalo kaya ako sa chess?" tanong ko kay Tatay, nasa loob kami ng kotse ngayon at naglalaro. Hindi naman talaga ako expert pero tinuruan ako ni Tatay kaya may ipaglalaban rin ako.


"Oo naman!" ginulo niya pa buhok ko, "Tandaan mo yung laging sinasabi ko sayo Neng, isipin muna bago ka tumira"


Tumango ako. "Tay, medyo malakas po kasi mga kalaban ngayon. Lalo na yung taga engineering department tay"


"Wag mo sila isipin Neng, ang isipin mo ay ang laro mo...kapag kaharap mo na ang board, doon ka mag focus"



Sumang-ayon ako, "Tay, checkmate!" tugon ko sa matanda.


Nginitian ako ni Tatay saka kumamay siya sa akin, "Galingan mo mamaya ha! Pag nanalo ka libre kita ng tanghalian"



Ngumisi ako, "Oo ba Tay!" inayos ko muna ang chess board saka inilagay ito sa gilid ng sasakyan, maliit lang ang board kumpara sa malalaking board na ginagamit namin.


Nagpaalam muna ako kay Tatay bago ako tuluyang pumasok sa loob. Nakita ko si Mayari at Kairos na hinihintay ako sa gate, kumaway sila kay Tatay mula sa malayo. Nginitian at kinawayan rin sila pabalik ni Tatay.



"Ready na?" si Mayari.


Pareho kaming inakbayan ni Kairos, nasa gitna namin siya naka posisyon ngayon.



Tumango ako at ang lalaki ng sabay. "Pakiramdam ko matatalo ko ex mo ngayon" si Kairos saka bumaling sa akin.



"Ilampaso mo yun para sa akin ha!" saad ko.


"Susubukan ko! Pero galingan niyo rin ha! Ang sabi malalakas daw players ngayon ng mga engineering kasi kabisado na nila si Mayari maglaro" si Kairos, bumaling naman siya kay Mayari.



Mayari chuckled.


"Ohh..ba't ka ngumingisi diyan? Hindi ka ba kinakabahan?" kunot noong tanong ni Kairos.



Nakangisi ang babaeng habang nagsasalita, "Napaka predictable lang kasi nila maglaro...kopyang-kopya ang nasa libro"




Huminga siya ng malalim. "Larong pang tambay lang ako...ni libro wala" saad niya bago tuluyang nauna maglakad sa amin ni Kairos.



Naiwan kami ni Kairos na mahinang naglalakad, "Alam mo minsan, naiisip ko na mas magkapatid pa si Kuya Kyden at Mayari" si Kairos.


Napadilat tuloy ako. Alam niya ba? Sabi ni Caelum sa akin umakto akong bingi kaya wala akong narinig, dapat wala akong narinig last time. Pilit kong kinunot ang noo ko, "Ano na naman yang iniisip mo?"




Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now