Chapter 22

7.5K 152 40
                                    

Kinabukasan, I didn't went to school because I almost couldn't walk dahil sa sakit ng mga paa ko. I even took analgesics because of the pain, ginawa ko na rin lahat ng nursing interventions for bruises. Nilalagnat rin ako, I already took Paracetamol at nag tepid sponge bath na rin sa sarili.



Carlisle called me several times pero hindi ko ito sinagot. But when I open my messenger tumambad sa akin ang mga mensahe nila about what happen last night. Naaksidente daw si Mayari malapit sa skwelahan, mabilis akong napaupo sa kama dahil sa gulat habang binabasa at nag i-scroll ng messages.


Tumayo ako kaagad and wore my nursing hood kahit mainit sa labas because I'm chilling inside, suot ko rin ang jogging pants ng PE uniform namin para hindi makita ang mga pasa ko at para hindi masyadong lumapat ang tela sa balat ko.


Nagpa drive ako kay Tatay Karding, habang nag mamaneho siya ay napansin kong may sugat ang kanyang labi. Kumunot ang noo ko, "Nadapa ka ba tay?" tanong ko.



Tumango si Tatay sa akin, "Kagabi yan Neng, sa banyo!" saka ngumiti sa akin.


Tumango rin ako sa kanya pabalik, "Ahhh...gamutin natin yan mamaya Tay"



"Oo ba Neng!" wika niya saka nag pokus ulit sa pagmamaneho.



"Tay, diretso tayo sa Martinez hospital andun daw si Mayari" wika ko, tumango naman si Tatay sa akin.


Pagdating ko ay nakita kong namamaga na ang mata ni Kairos sa kakaiyak, siya lang ang mag-isang nagbabantay sa babae. May bandage si Mayari sa ulo, may kaunting mantsa pa nga ito ng dugo.



"Bel!" mahinang sabi ni Kairos.


"Umuwi ka na muna, ako na dito" saad ko, pero umiling si Kairos at tinanggihan ako. "Babantayan ko siya Bel hanggang sa magising siya, kawawa naman yung bestfriend ko" hikbi niya.


Agad ko siyang niyakap, first time ko yata nakita siya na umiyak. And by looking at Mayari's condition, she's in critical stage, she's intubated. Nasa labas lang kami ng ICU habang sinisilip namin siya, may salamin sa pagitan.


"Sana sinamahan ko na lang siya Bel, sana hinanap ko siya, sana hindi ko siya hinayaang umalis ng bahay na mag isa Bel" umiiyak na sabi niya.


Hiniwalay ko ang sarili sa lalaki at tiningnan ang itsura nito, may mantsa pa ng dugo ang kanyang damit halatang hindi pa nagbibihis. Nagmukha ring madungis ang malinis at mayaman niyang itsura.


Huminga ako ng malalim, "Tatawagan ko si Neo para dalhan ka ng damit. Alam na ba 'to nina Carlisle?"


Kairos nodded. "Papunta nadaw siya pero may dinaanan lang sa school, inihatid niya rin clearance namin ni Mayari"


I called Calysto if he's available, I asked him if he could bring a few clothes for Kairos. Ayaw kasi talaga ng lalaki na umuwi kahit magpumilit pa ako, sumang-ayon naman siya.


Tumawag rin sa akin si Carlisle na hindi pepermahan ni ma'am ang clearance naming dalawa kung hindi niya kami makikita sa personal, dumiretso na siya sa eskwelahan. Hihintayin ko na lang si Neo, sasabay na rin ako sa kanya papunta ng school para hindi na ako puntahan ni Tatay.


"Babe, namumutla ka" bungad sa akin ni Neo pagkababa pa lang niya ng sasakyan, hinawakan niya rin ang noo ko, "Mainit ka, uminom ka na ba ng gamot?"


"Okay lang ako babe, nakainom na ako" wika ko saka hinawakan ang braso ng lalaki. Naglakad kaming dalawa papasok ng ospital. Agad naman naming nilapitan si Kairos na hindi na ma drawing ang mukha sa pag aalala.



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now