Chapter 9

8.5K 175 45
                                    

Nanginginig akong tinawagan si Tan, matapos akong lumabas sa opisina ni Daddy. Halos hindi na ako makalakad sa sakit ng paa ko, dumudugo rin ang ilong at bibig ko dahil sa pananampal ni Dad sa akin.


Nakailang beses pang nag ring ang cellphone niya bago niya ako sinagot.


"Hello" bungad niya sa kabilang linya.





Hindi paman ako nakakasagot ay humikbi na ako, "T-tulungan mo ko Tan" basag na ang boses ko at namamaos dahil sa kakasigaw at kakaiyak ko kanina.




"Ha? Pakiulit nga Bel" malakas na sabi niya.




Halatang wala sa bahay ang lalaki at nasa bar ito dahil puro beat ang background na music ang naririnig ko.



"Sina-saktan ako ni Dad, tu-tulungan mo ko Tan" hikbi ko.



Narinig ko pang tumawa ng malakas ang lalaki sa kabilang linya, "Bel, matulog ka na. Nag iimagine ka lang. Tito wouldn't hurt you" he said.




"Maniwala ka sa akin Tan" umiiyak na saad ko.






"Matulog ka na Bel, sige! Good night" pinatayan niya kaagad ako ng cellphone.




Naupo ako sa gilid ng kama at niyakap ang mga tuhod ko habang nagpatuloy sa pag-iyak. Tatay Karding tried calling me several times, at ayoko muna sagutin iyon hanggang hindi pa ako kumakalma.




Bakit ba kasi hindi ako naging matalino kagaya nina Kairos at Mayari. Bakit ba kasi lagi na lang na didismaya sa akin si Daddy at bakit ba kasi lagi na lang akong nasasaktan ng ganito. Bakit iniwan ako ni Mommy? Sana isinama na niya lang ako.



Calysto called me kaya sinagot ko ito kaagad. Ipagpapaliban ko na lang ang pag he-health teaching dahil hindi ko talaga kaya ngayon na makipag usap ng matagal. My tears continued falling as I answer his call.



"P-pwede ba bukas na lang tayo mag-usap Calysto" paos kong sabi.




"Pakibukas ng sliding door mo sa balkonahe" he said.



Kumunot ang noo ko. Naka uniporme pa ako at hindi pa ako nakabihis ng pambahay, mukha rin akong basahan dahil sa itsura at kakaiyak ko. May mantsa rin ng dugo ang suot kong blouse. Bakit nasa balkonahe siya? Inakyat niya bahay namin? Baka makita siya ni Daddy papatayin talaga siya nun!




Tinanggal ko ang basa sa mukha ko at luha, pinilit kong ayusin ang buhok ko saka nagmadaling buksan ang sliding door ng balkonahe.




Bumungad sa akin ang nakangiting lalaki na may dalang ice cream pati chichirya.




Napaiyak ako ng makita siya, dali-dali ko siyang niyakap kahit hindi naman kami close talaga sa isa't-isa. Gusto ko lang talaga ng may maiiyakan at masasandalan sa panahon na pakiramdam ko ako lang mag-isa.




Naramdaman ko pa na medyo nagulat siya sa kinikilos ko pero niyakap lang din niya ako pabalik. Humikbi ako habang niyayakap siya. Alam kong hindi tama na may kayakap akong ibang lalaki lalo na at hindi ko siya nobyo pero kahit ngayon lang...sana pagbigyan ako.



Neo caressed my back as I continued crying. Hindi siya nagsasalita pero bawat haplos ng kanyang kamay sa likod ko ay kinakalma ako. Pinapatahan ako ng presensya niya. Nanatili kami sa ganoong posisyong habang nagpatuloy ako sa pag iyak at paglabas ng sama ng loob.




Humiwalay siya sa akin ng maramdaman niyang kumakalma na ako. Nginitian niya muna ako bago niya ako pinaupo sa sahig.



"Ice cream?" he offered me one, tinanggalan niya pa ito ng balat kay tinanggap ko ito.


Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now