Chapter 33

9.2K 186 77
                                    

"May seminar sa New York next month...hindi ka ba interesado?"

Napakamot ako sa ulo, gustuhin ko man kaso tinutulungan ko pa si Tita. Ayaw ko namang iwanan siya lalong-lalo na hindi pa umuuwi si Kairos at Mayari. "Buti kung makabalik na si Mayari niyan" saad ko.

Garren nodded slowly. "May bagong doctor daw sa ER"

Nag-inat ako saka nginitian siya, "Mabuti nga 'yun para makabalik na ako ng ward."

"Babae daw, chix tapos maganda"


I chuckled. "Kahapon lang intern 'yung pinag ti-tripan mo"

Sumimangot si Garren sa akin, kanina ko pa tinutukso siya. Panay kasi titig niya sa intern, yung kambal ng asawa niya...yung intern naman panay ngiti sa kanya.

"Hi!" pareho kaming napalingon ni Garren sa kararating na babae. "Ako pala ang bagong kasama niyo" si Carlisle, nakasuot na siya ng puting coat. Naka t-shirt at pantalon siya sa ilalim, hindi katulad sa amin ni Garren na naka scrub suit sa loob.

"Akala ko ayaw mo magtrabaho dito?" sumimsim ako ng kape.


Tumakbo pa si Carlisle sa kinaroroonan namin, "Dito na muna ako, magpapa evaluate ulit ako next year" nilingon niya ang lalaki 'kong kasama saka nginitian "Ang pogi mo pala sa personal Alviar! Laki ng pinagbago ahh!" siniko niya pa si Garren kaya napakamot ang lalaki sa ulo niya, mukhang nahihiya pa..."Shots naman tayo minsan!"

"Tapos kulungan bagsak niyo" sabat ko.


Carlisle laughed. "Nagkataon lang 'yun. Ano? G?"

Umiling kaagad si Garren, mukhang natakot yata kainuman si Carlisle. Napansin nitong may papasok na pasyente kaya tumakbo kaagad ang lalaki sa entrada ng walang pasabi.

"Tinakot mo kasi" nguso ni Carlisle, tumingin ito sa kabilang tabi. "Ex mo ba 'yun? May dala yatang pasyente" turo niya.


Nilingon ko ito kaagad, akala ko si Neo. Si Tan pala, bakit ba ako nag e-expect kay Neo? Parang Tanga lang. Mabilis akong napatayo ng makitang may katandaan na ang dala niyang pasyente. Nagdudugo ang ulo nito at umaaray sa sakit, agad 'kong nilapitan ang matanda. Nagmando pa ako ng wheelchair kay Carlisle kaya kumuha kaagad ang babae.

"Ako na tutulak" si Tan, nang makasakay si Tatang ng wheelchair. Tinulungan niya pa ang matandang lalaki na mahiga sa isa sa mga ER bed namin.

"Saan ba tumama?" I asked, sinilip ko ang ulohan niya saka pinakiramdaman kung may bukol.


Tinuro ni Tatang kung saan siya natamaan. "Dito ma'am"

"Ano bang nangyari?"

"Nahilo po ako ma'am, tapos natumba ako pababa ng hagdan...nauna yung ulo ko ma'am"

Nakita kong malaki ang sugat nito at kailangang tahiin ito para maisara ang sugat, may kaunti ring bukol si Tatay.



"Engineer, kailangan po nating tahiin ang sugat ni Tatang sa ulo, medyo may kalakihan po kasi ito" wika ko kay Tan.

Nakatitig si Tan sa akin habang nagpapaliwanag ako sa kanya. Umiwas kaagad ako nang tingin at nagtawag ng nurse para ipaghanda ako ng gamit pang suture.

"Sir, tatahiin po natin ang sugat niyo ha? Maglalagay po tayo ng anesthesia para hindi niyo po maramdaman ang sakit, pagkatapos magpa CT-Scan po kayo " I paused for a while inangat ko ang tingin kay Engineer Tan.

"Alam naman na po ni Engineer Tan sir, sunod na lang po kayo sa kanya mamaya. Libre naman po kayo sa Martinez hospital" ibinaba ko ang tingin sa matanda.

Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now