Chapter 30

9.4K 201 156
                                    

I bit my lower lip saka tuluyang humarap sa lalaking tumatawag sa akin habang umiiyak ako, nagulat pa siya dahil sa itsura ko pero ng makita niya ang lalaki na nasa likod ko ay agad niya akong hinila. Sumenyas ako sa lalaki na wag ng mag-ingay kaya natahimik ito.


Mas lalo akong naiyak at nanghina ng tinawag ako ni Caelum, I can't even stand up straight kaya hinawakan ako ng maayos ni Caelum. Iginiya pa niya ako palabas.


"Let's get you out of here" Caelum said.



Tumango lang ako sa kanya.



Umiiyak akong naupo sa bakanteng bench sa roof top, katabi ko si Caelum. Panay hinga ng malalim ang lalaki habang nakikinig sa hikbi at iyak ko.


"Nakita niya ba ako?" tanong ko.
Umiling ang lalaki sa akin,"He was about to see you, buti nahila kita" wika niya, napatingin ito sa langit.



Papalubog na ang araw kaya kitang-kita dito sa taas ang pagbaba nito.



"I came here to unwind" he said, "But it looks like, I came here just to see you cry" he closed his eyes and sniffed some fresh air.




"So, what's your next plan? Now, that you see him with someone else?" nilingon niya ako at seryoso akong tinitigan.




I shrugged my shoulder. Dati may plano na ako kung anong gagawin pero ngayon bigla na lang nawala sa isang iglap. Kumikirot pa rin ang puso ko, at tumutulo ang mga luha.



"Bahala na" saad ko.



"Do you want to talk to him? I can approach him for you" he said.



Umiling ako. I can't afford to talk to him, siguro mas lalo akong mawawasak pag nakaharap ko siya at kinakausap. I still love him, wala namang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya but seeing how happy he is, hindi dapat ako magpakita sa kanya at hindi ko na siya dapat guluhin pa.



Sa nakita ko na kompirma ko na, na wala na pala akong hinihintay dahil matagal na kaming hiwalay. Ako na lang pala ang nanatiling nakakulong sa nakaraan.



Itinaas ko ang tingin ko sa itaas saka nanood ng papapalubog na araw. Lumunok ako, "I'm sorry tay, i'm sorry baby...mukhang masaya na si Neo...hindi na tayo makokompleto" I internally said.




The sun illuminates my skin, noong iniwan ako ni Neo ay papaakyat ang araw nun....at ngayong tuluyang wala na kami ay papalubog na ang araw. Grabe naman yung timing!




"I think you should ask him why did he left you..." si Caelum habang naglalakad kami pababa. "Para hindi mo habang buhay isipin ang rason...hindi ka ba galit sa kanya?"



Lumunok ako bago magsalita. "Galit pero mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya"




Caelum nodded. "You should ask him why bago ka mag move on...." he even tapped my shoulder. "Allow yourself to be free"



Hinatid ako ni Caelum pabalik ng opisina, pinilit niya pa akong umuwi na lang pero tinanggihan ko siya. One week kasi akong duty sa ward kaya hindi ako uuwi ng bahay. Nang makalabas ang lalaki ng opisina ay umiyak ako ulit, nakakapagod man umiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili.




I didn't tell anyone about my pain, only Caelum knows kasi nandoon siya ng umiiyak ako. Humagulgol ako at niyakap ang dalawa kong tuhod. I just hope that my pain ends tonight...sana magising ako bukas na okay at walang sakit na dinadamdam. Sana pala hiniling ko na lang na hindi kami magkita...para kahit nakakulong ako sa nakaraan alam kong kami pa at alam kong ako ang mahal niya.



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now