Chapter 7

9K 185 110
                                    

"Do you want juice? Tea? Or coffee?" I asked.

Kakarating lang ni Tan galing sa bahay nila. Sabado kasi ngayon at walang pasok, mag-aaral dapat ako ngayon pero tumawag siya sa akin na dito na muna daw siya. Ilang araw na rin niya akong binibisita sa bahay, ginawa na rin naming tambayan ang sala at hardin sa labas.

"Juice na lang" naglalakad siya papunta sa couch.

Tumango ako saka tinawag si Manang Luring para ipaghanda kaming dalawa ng juice.

Naupo kaming dalawa sa isang couch. Mga isang metro ang agwat namin sa isa't-isa. Pareho kaming tahimik at mukhang naninibago na naman, kahit na palagi siya dito sa bahay ay naninibago pa rin ako kapag kasama siya.

Dumukot ako ng aklat at unti-unti ko itong binuklat. Naramdaman ko na marahan siyang lumapit sa kinauupuan ko, napalingon ako sa kanya ng inakbayan niya ako ng mabilis. Ngumiti siya sa akin saka lumapit at bumulong.

"Pwede mo ba akong i-tour sa kwarto mo?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat, nanayo rin balahibo ko. Tumango ako ng mahina sa kanya. Wala naman siguro kaming gagawin doon.

Nauna siyang tumayo sa akin saka inilahad ang kamay niya, tinanggap ko naman ito at nagsimula kaming maglakad sa itaas. Muntik na akong mahulog sa gulat ng hinila niya ako palapit sa kanya at hinawakan ang bewang ko.

"Your house looks vintage" he said.

"Yung daddy kasi ni Sy ang architect nito" lumiko kami papasok sa kwarto ko.

"Ahhh...nice" tumango siya ng mahina saka sumunod sa akin.


Tinanggal ko pagkakahawak niya sa bewang ko. Ewan ko kung bakit, pero hindi ako kumportable na kasama siya. Dati-dati kapag nakikita ko siya ang nagsisiliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko pero sa ngayon wala na akong maramdaman. Kumumpas ang puso ko nang tuluyang makapasok kami. Bakit ba parang masama yung pakiramdam ko ngayon?


Naglakad-lakad muna ako habang nag e-explain sa kanya tungkol sa kwarto ko, sa tuwing nililingon ko siya ay mukha naman siyang interesado pero iba talaga pakiramdam ko.


Maya't-maya ay naupo ang lalaki sa sulok ng kama ko, nakatayo lang ako at patuloy sa pagpapaliwanag sa kanya.


Natigil ako ng inabot niya ang kamay ko, at hinila palapit sa kanya.



My eyes widened when he stood up and kissed me. Pinilit kong ilayo ang sarili sa kanya dahil ang bilis ng pangyayari at nagulat pa ako but he hold my hand and kissed me more. Sinubukan kong tumugon sa halik niya but something was really not right.


He tried to unbotton my blouse kaya naitulak ko talaga siya ng malakas.



Natumba ang lalaki malapit sa kama, tumama rin ang gilid nito sa dulo.


Ngumiwi siya sa sakit, "What the fuck Bel!" he shouted while holding his affected side.


Dali-dali ko siyang tinulungan tumayo pero iniwas niya ang kanyang sarili sa akin at tumayo ng siya lang mag-isa. Tiningala ko siya kaagad habang padabog siyang tumayo at pinapagpagan ang sarili, galit ang kanyang ekspresyon sa mukha.


"I'm sorry Tan" mahina kong sabi.


"Sorry? Bakit kay Sy bel? Mabilis ka lang bumigay pero sa akin hindi? Bumigay ka rin kay Martinez diba?" iritado niyang sabi at pagsigaw sa akin.


Umiling ako. "Walang-"


"Ano?" sumbat niya "Walang nangyari sa inyo ni Sy? Ang bilis bilis mo nga makahanap ng lalaki tapos sasabihin mong wala!"


Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now