Special Chapter

11.1K 198 196
                                    

"Bakit ba kasi ngayon pa nagtata-tae 'yang si Soren?" reklamo ni Remus. Kunot noong kumakamot ito sa ulo niya, halatang naiirita.

Ngumisi ako, "Baka nasobraan sa gatas kahapon, bawal pa naman sa gatas ang lalaking 'yon." tugon ko, sumandal ako sa may pader habang tinititigan ang batang babaeng mukhang hindi taga rito.

She has this fair skin, mamula-mula ang pisngi, malulusog ang labi, may malapusang mata at mahabang pilik mata. Nakadungay ang itim na buhok nito na hanggang balikat, nakasuot ng unipormeng puti. Naitaas ko ang kilay ko ng mapansing naupo ito sa bench na nasa harap lang namin, she looks angelic but not my type.

"Nakikinig ka ba sa pinagsasabi 'ko?" si Remus, galit na ang lalaki halos makita ko na ang buong ngipin niya na may nakadikit na kulay itim na rubber dahil sa braces niya.


Tumango ako sa kanya ng mahina, saka tinaasan-baba siya ng dalawang kilay habang nginungusuan ang batang nakaupo sa harap namin. Kasabay ng paglingon ni Remus ay ang pagtingin sa amin ng batang mukhang anghel.

She smiled to us sweetly, bago naglakad papalapit sa amin. She looks timid and demure, mukhang ang bait-bait kahit naglalakad lang naman.


"Sayo na lang po kuya." napatingin kami ni Remus sa iniaabot niya, pagbaba ng tingin ko ay napangiti ako. "Sorry to eavesdrop but I heard you talking about loose bowel movement, effective po 'to."


Remus didn't accept what the kid gave him, mukha kasi siyang natulala sa babae. Kaya ako na lang ang kumuha nito, "Thank you ha! What's your name?" I asked.


The kid was about to open her mouth but she was called by someone kaya magalang itong nagpaalam sa amin. Remus left dumbfounded while watching the kid walking away from us, tawang-tawa ako dahil binigyan pa kami ng bata ng Loperamide Diatabs.

"Gandang bata!" anas ni Remus ng nahimasmasan ito mula sa pagkatulala. "Hindi 'yun taga Baguio no? Ngayon ko lang nakita ang uniporme niya."



Umiling ako sa kanya, "Baka taga ibang lugar."


The National Science Quiz Bee started... Nauna ang elementary category kaya nanood pa kami ni Remus.

From afar I saw a kid wearing a Science School uniform, she's petite, has fair skin, medium size eyes, and a bitch face... Bata pa lang mukha ng masungit. I bet she's intelligent. Sa kabilang lamesa naman ay ang batang lumapit sa amin kanina.



Both of them were opposite to each other. Maamo ang mukha 'nung batang nakausap namin kanina, habang itong isa naman ay halatang suplada.


Sa unang tanong ay nasagutan kaagad ito ng batang nagmula sa Public school.


"Shit bro! Ang talino!" saad ni Remus.


"Mas matalino 'yang mukhang mataray." sabat ko.

Remus chuckled, "Pustahan tayo!"



Hindi na ako nag-isip, agad akong sumang-ayon kay Remus. Habang tumatagal ang Quiz Bee ay hindi talaga nakasagot ang manok ko. Grabe! Ang talino ng batang pambato ni Remus, kumakain siguro talaga ng libro.

Nakita ko 'ring nagsimulang manggigil ang manok ko, ang cute niya lang lalo kapag nagagalit kaya nawiwili akong tingnan siya kahit natatalo na. Pambato ni Remus ang nanalo, kaya bilang kabayaran ng pustahan namin ay ililibre ko daw siya ng ice cream. Sumang-ayon naman ako sa kanya.


Hinihingal akong tinakbo ang ice cream parlor na nasa harap lang ng eskwelahan, habang nag oorder ako ay nakita ko ang batang masungit. She was crying and pouting her lips. Nakakapanibago lang dahil nakasuot siya ng puting cardigan at stockings kahit ang init-init naman ng panahon ngayon.


"Ice cream tayo? Gusto mo Neng?" sabi ng matandang lalaki na kasama niya, I assume it's his dad. Neng pala palayaw niya?



The kid cried, "Pero gusto ko 'yung medal na 'yun."




"Dito ka lang Neng! Bibilhan kita ng ice cream tapos mag-uusap tayo tungkol diyan."


Tumango naman ang bata, his father went to me. He was smiling to me kaya nginitian ko siya pabalik.



"Dong, anong flavor ng ice cream mo?" he asked.


"Vanilla po Tay" saad ko.


"Pwede ba akin na lang 'yan Dong." the old man pleaded.


Mabilis akong tumango sa kanya kahit alam 'kong magagalit na naman si Remus dahil natagalan ako.




Pagkabigay pa lang sa akin ng vanilla ice cream na nasa cone ay agad 'kong ibinigay sa matandang lalaki iyon.



"Salamat Dong, ang bait mong bata." sambit ni Tatay.


"Walang anuman po Tay!" nakangisi kong saad. The old man smiled to me once before he turned back, ibinigay niya kaagad sa bata ang ice cream.



Kahit na may pagkain ito ay nakita 'kong umiiyak pa rin... Grabe naman! Ako nga noon pinapagalitan ni Mommy, tapos isang chocolate lang tumatahan na ako kaagad.
--------

1. Si Kairos po dapat ang EG ni Mayari  sa THR. 😅

2. Si Tan Angelo po dapat ang EG ni Bel sa KTPH kaso wala silang chemistry. 😅

3. Hindi po dapat doctor si Carlisle dahil tamad siya mag-aral.

4. Si Neo po dapat ang 2nd lead sa story ni Mayari at Remus.

5. Ma i-inlove sana si Caelum kay Bel kaso hindi natuloy kasi awang-awa na ako sa character niya.

6. Hindi po EG ni Caelum si Attorney Hezianna.

7. Wala sanang story si Carlisle.

8. Mas masakit ang next story. Jk!

9. Maganda at Pogi lahat ng readers ko.

10. Maraming Salamat po!

Note:

Hindi lahat ng first love ay great love. Kung nasaktan ka man sa unang pag-ibig hindi ibig sabihin niyan ay dapat ka ng sumuko. Hintay-hintay lang, may darating din para sayo. The Lord has greater plans for us. Keep the Faith!

Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon