Chapter 40

10.2K 199 82
                                    

Tulala ako habang nag didiskusyon pa rin sina Mayari at Carlisle. Matapos kong makita ang nilalaman ng CD ay nagmadali akong umuwi ng Pilipinas, hindi ko na natapos ang seminar. Naintindihan naman ni Tita Francine dahil panay iyak na ako habang nagsusumbong sa kanya.



I still can't believe by what I saw. Pakiramdam ko ay winawasak ako habang nanonood sa video na iyon. That video makes me realize how my Dad manipulated me since I was a kid. He was really cruel. He'll do everything for money and for power. Nabulag yata sa pagiging mukhang pera.





Neo was confused by what's happening, panay iyak ako ng nag-iimpake kagabi. He was asking me and forcing me to verbalize what my problem is. Hindi ko na sinabi sa kanya dahil ayaw ko na siyang madamay. This is my fight between me and my Dad.




"I'm sorry, I'm late. Masyadong ma traffic at ang init-init sa labas." hinihingal na sabi ni Selene, nilapag kaagad nito ang pulang designer bag niyang dala sa lamesa. Napatingin ako sa kanya, balot na balot ang babae at pinagpapawisan ang noo. Tumakas lang siguro 'to sa set, naupo siya sa tabi ko kaya umusog ako.




"You okay?" she asked me. Nainom pa siya ng tubig na nasa hapag.




I nodded to her. I'm not okay actually, but I need to be fine. Haharapin ko na bukas si Dad, I should be strong... Sinimulan ko na ito, kaya dapat 'ko ng tapusin.




"Did you already send the video to the media?" I asked her.





"Of course!" she said. "Humingi ako ng pabor sa kaibigan ko, he's a trusted friend, ayaw nun sa injustice."



"Anong oras tayo doon?" tanong ni Mayari. She's pregnant pero hindi pa naman obvious ang paglaki ng tyan niya. She looks blooming also.




"The bidding will start 9AM" si Carlisle, "Anyway, Kiko told me na may interesado din daw sa bidding, mayaman rin daw ito at interesado sa negosyo that's why we need to bring a lot of money."




"Don't worry about that." sambit ni Mayari bago sumimsim ng shake. " Any updates about Tatay's investigation?"





"Attorney Archi called me yesterday, okay na daw." saad ko.





"Good! Then let's put that man in jail." si Carlise, "Handa ka na ba Bel?" tanong niya sa akin. I quickly nodded to her, "Gusto ko ng matapos ito." wika ko bago sumimsim ng wine.






Nagpatuloy kami sa pag-uusap apat, kanina pa ako tinatawagan ni Neo but I didn't answer his calls. Ayaw ko munang makipag-usap sa kanya, mas mainam kung kami-kami lang muna ang nakakaalam. Bukas na bukas naman ay puputok na ang balita at malalaman na iyon ng taong bayan.




Pagkatapos naming kumain ay sabay pa kaming lumabas apat sa isang mamahaling restaurant, pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala kaming pakealam. Nasanay na kami sa atensyon nila.




"Did you bring your car?" tanong ko kay Carlisle ng mapansing wala ang sasakyan niya sa parking lot.





Ngumuso ang babae sa big bike niya, " I don't like cars. You know me Bel." she chuckled, "Ingat Dra. Villanueva!" masaya niyang bulong bago nagpunta sa nakaparke niyang motor.




Walang kotse'ng dala si Mayari dahil si Remus mismo naghatid sa kanya dito, si Selene naman ay wala rin dahil tumakas lang din ito sa set. Kaya malamang ako ang maghahatid sa dalawang babaeng 'to.






Mayari sitted behind us, sa passenger seat naman ay si Selene.




"Sa set ka ba?" kunot noong tanong ko sa babae. Selene shook her head, "Nakakapagod! Dami 'kong bashers doon." she even chuckled. Sa dami ng haters niya nagawa niya pa itong pagtawanan, she's unbothered queen.





Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now