Chapter 31

9.1K 213 137
                                    

"Gumawa ang anak ko ng friendship bracelet...sayo na 'tong isa" si Garren.



Nasa garden kami ngayon, nagkakape na naman ulit. Nakita niya kasi akong nakaupo na mag-isa kaya sinabayan na niya ako. Garren is a single dad, namatay daw yung asawa niya dahil sa aksidente. Humarap ako sa lalaki saka nginitian siya, simula kasi noong nagkasama kami sa ER ay naging kaibigan ko na siya.




"Thank you!" kukunin ko na sana ang bracelet pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko para isuot ang bracelet na gawa ng kanyang anak.




Kumunot ang noo ng lalaki ng makita niyang hindi umaandar ang suot kong relong pula. "Kuripot mo talaga...bumili ka nga ng bagong relo" wika niya.




"Bigay yan ni Tatay sa akin oyy! Hindi ko yan papalitan" ibinaba ng lalaki ang kamay ko matapos niya itong ipasuot sa akin. Napatitig ako sa bracelet, maganda ang pagkagawa nito at halatang pulido. "Ang galing ng anak mo ahh! San nag mana?"




"Syempre sa Daddy niya" nagmalaki pa ang lalaki.




"Wow ha! Salamat ha!" wika ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay kaya humagikhik ang lalaki sa akin.




"Ayaw mo na ba umuwi sa bahay niyo?" tanong niya sa akin, may halong pag kantyaw ang pagtatanong niya kaya sinungitan ko siya.




"Uuwi ako mamaya...off na ako!" Hinawakan ko ang batok ko at, minasahe ito ng mahina.




"Hatid kita mamaya para hindi ka na mag maneho"





Umiling ako sa kanya. Mamayang gabi pa kasi ako uuwi dahil napagkasunduan namin ni Carlisle na kakain kami sa labas, naging abala kasi ang babae sa pag po-proseso ng kanyang mga papeles para makapag training bilang military doctor.





"May gagawin pa ako mamaya kaya mauna ka ng umuwi, i-date mo yung anak mo"




"Ikaw bahala, basta tawagan mo lang ako mamaya. May date rin kasi ako" bulong niya.





Kumunot ang noo ko, "Sino na naman ang babaeng na uto mo?"




Garren shrugged his shoulder, tumayo ito kaagad at umakmang maunang maglakad. Tumayo na rin ako para sumunod sa kanya, nagtawanan pa kami ng lalaki. Nang humarap ako ay nakita ko si Neo na tinititigan kami ng matalim, baka siguro susunduin niya si Dra. Desamito.




I quickly shifted my gaze to somewhere, napansin ni Garren iyon kaya hinila niya ako palapit sa kanya. Inakbayan pa ako ng lalaki, nagpatuloy kami sa paglalakad at nilagpasan lang siya. I didn't want seeing him, tapos naman na kami.




"Hindi ka ba galit sa lalaking 'yon?" kunot noong tanong ni Garren.





Tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin, "Galit! Pero kahit magalit ako wala namang magagawa yung galit ko...mapapagod lang ako at ma i-i-stress kung iisipin ko yan....tsaka, gusto niyang  kalimutan ko siya kaya ibibigay ko iyon sa kanya"




"I-untog ko kaya ulo mo para makalimutan mo siya!" suhestiyon ng lalaki.




"Doctor ka ba talaga?" sinupladahan ko ulit ang lalaki saka tinalikuran ko siya. Narinig kong humagikhik siya habang hinahabol niya ako.



Inakbayan niya ulit ako ng maabutan niya ako, "Are you the X in my math problems?" tanong niya.




"Because I easily get you!" I chuckled. Natulala pa ang lalaki bago niya ginulo ang buhok ko, "Talino mo talaga!" sambit niya.



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now