Chapter 16

9.4K 212 81
                                    

Napakamot ako sa ulo ko, kanina pa ako nag i-interview sa pasyente na inassigned ni Ma'am sa akin pero hindi kami nagkakaintindihan, mukha yatang hindi sila taga rito kaya iba ang dialect na gamit nila.



Huminga ako ng malalim bago tumalikod at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Mayari at Carlisle. Wala si Kairos ngayon dahil nasa ibang area siya nag du-duty.



"Hindi ko ma gets pasyente ko" pagrereklamo ko sa dalawa saka sumimangot ako.



"Ako naman daming ganap sa buhay, daming tsismis" reklamo din ni Carlisle.



Napataas ang dalawang kilay ko, "Ayaw mo nun? Mahilig ka makipag-usap diba?"

"Noon yun, ayaw ko na ngayon" saad niya bago umirap.



Mahinhin na tumawa si Mayari sa aming dalawa, "Silent treatment kasi sila ni Sir Bodyguard" pagkantyaw niya.



Pareho pa kaming humagikhik ni Mayari ng mahina, kung lalakasan kasi namin ay baka makita kami ni ma'am na nag tsi-tsisimisan lang at baka patawan pa kami ng extension duty.



"Ramirez, Lopez and Lacsamana! Bakit kayo magkasamang tatlo? Diba sabi ko bawal ang ganyan" sigaw ni ma'am.



Minsan talaga naiisip ko na may tinatagong gabay si ma'am, naiisip pa lang namin, alam na niya kaagad.




"May tinatanong lang po si Carlisle ma'am" pag sabat ko.



Tinitigan ako ni Carlisle ng masama, "Ako pa talaga?" bulong niya sabay turo sa sarili.



"Oo ma'am, may question lang po siya...actually pabalik na siya sa pasyente niya ma'am" si Mayari, tinulak niya pa si Carlisle kaya mas lalong sinamaan kami ng tingin.



"Humanda kayo mamaya!" pananakot niya sa amin, she even rolled her eyes to us saka nag mala modelo sa paglalakad.



Mayari and I scoffed. Wala kasi si Kairos kaya si Carlisle ang nabu-bully ngayon.



"Tulungan mo nga ako sa pasyente ko" diretso kong wika kay Mayari.




Lumingon si Mayari sa akin, "Sure!"
Sabay kaming naglakad papunta sa pasyente ko. Malayo pa lang kami ay naririnig na naming dalawa na iba talaga ang dialect ng pasyente kaya hindi kami magka intindihan.



"Magandang umaga po ulit!" bati ko sa kanya.



"Magandang umaga po!" bati ni Mayari, "Babu, uno in ngan mo?"

(Babu, anong pangalan mo?)



Napatakip ako ng bibig. Nagkaka intindihan sila? Mabilis kong kinuha ang ballpen at papel ko para isulat ang detalye.



"Faina, mayta?" (Faina, bakit?) ang pasyente.



"Kah Faina, na unu in pasyente mo?" (Kah Faina, anong nangyari sa pasyente mo?) diretsong tanong ni Mayari.


"Nag intaw-intaw pa pero bukon na masakit in tiyan niya" (Nagtatae pa pero hindi na masakit ang tyan) si Aling Faina, hinawakan pa ang tyan ng anak niya.




Tumango si Mayari.
"Hmmmm...kumaun na in pasyente mo?" (Kumain na pasyente mo?) tanong ni Mayari.



"Kumaun na Nurse" tipid na sagod ni Aling Faina.



Sa loob ng ilang minutong usapan nila ni Mayari ay nagpalinga-linga lang ako sa kanila, nagtawanan pa silang dalawa bago tuluyang natapos sa pag-uusap. Sana talaga nagpaturo na lang ako kay Tatay Karding para hindi ako nganga kung may pasyente na naman akong ganito.



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now