Chapter 4

10.3K 222 114
                                    

Pahinto-hinto akong naglalakad papasok sa skwelahan, dala-dala ni Tatay Karding ang mga aklat ko dahil napapangiwi ako sa sakit tuwing kinakarga ko ito.





Parehong masakit rin ang mga paa ko kaya nahihirapan ako sa paglakad.





"Tay, dito na lang po ako....akin na po yan" pilit kong binawi sa kanya ang mga aklat.





"Neng, malayo-layo pa lalakarin mo...ako na nito" iniwas niya sa akin ang mga aklat.





Ngumuso ako, "Tay, ako na po...baka kasi sabihan nila ako na maarte tay" lumapit ako sa kanya saka pilit kinuha ang mga libro na hawak-hawak niya.





Walang nagawa si Tatay Karding ng tuluyan ko itong nakuha, napangiwi pa ako sa sakit pero tiniis ko iyon. Pipilitin ko na lang maglakad ng mabilis.




"Tay, alis na po ako!" kinawayan ko pa siya bago ako tuluyang naglakad papasok.




Pagpasok ko pa lang sa loob ng classroom ay namataan kong ang tuwid-tuwid ng pagka-upo ng mga kaklase ko, malayo sa pormahan namin tuwing wala pa ang mga clinical instructors namin.




Kinawayan ako ni Carlisle kaya kahit na medyo may kasakitan pa ang paa ko sa paglalakad ay naglakad ako ng mabilis at tumabi sa kanya.




"Anong meron?"





Inilapit ni Carlisle ang kanyang mukha sa aking tenga, "Naglilibot yung may-ari ng school"





Kumunot ang noo ko, "Eh.. Ano ngayon?" medyo naitaas ko pa ang boses ko kaya napalingon ang mga kaklase ko sa akin.



"Ang sabi kasi ni Dean ayaw daw ng apo ng may-ari ang maingay" she whispered.




Itinaas ko ang isang kilay ko saka tahimik na inayos ang bag ko sa likod ng upuan, naramdaman kong tumuwid ang pagkakaupo ni Carlisle,  pero hindi ko iyon pinansin, nakailang siko pa siya sa akin.





"Pres, ang gwapo!" bulong niya.




Bumaling ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin, nakita kong nanlaki ang kanyang dalawang mata at bumuka ang kanyang bibig.






Kunot noo akong humarap sa tinitingnan niya, napadilat ako ng makita ang lalaking nakilala ko sa pangalan na Neo.





Tumigil siya sa paglalakad sa harap ko, inusog niya pa ang libro ko na naka posisyon sa gilid gamit ang isang kamay niya.






His wearing again a jacket with hood kulay asul ito ngayon, denim pants and a white snicker shoes.





Napalunok ako ng inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nginisihan ako.




"Please bring my coat tomorrow" he said on his baritone voice, dahilan ng pagtayo ng aking balahibo.




Wala sa wisyo akong tumango ng mahina.





Nginisihan niya ako ulit bago siya tumingin kay Carlisle at kinindatan.






Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palabas ng classroom namin. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses bago napagtanto ang sinabi ng lalaki.



Nang makalabas ang lalaki ay tuluyan ng tumili ang mga kaklase ko, inalog-alog pa ni Carlisle ang dalawang braso ko habang tumitili, kaya sa halip na tumili ako ay napasigaw ako sa sakit. Akala tuloy niya na nasayahan ako sa ginawa ng lalaki.





Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora