Chapter 14

9.5K 215 68
                                    

"Babe, mag e-enroll na ako next week" masaya kong sabi habang nakayakap sa hawakan ng lalaki.




Nasa condo niya kami ngayon, inimbitahan niya kasi kami ni Tatay na dito kumain ng tanghalian dahil magluluto daw siya.






Nasa sala si Tatay at nanonood ng TV, action movie kasi ang palabas kaya ayaw magpa istorbo. Ako naman ay nanggugulo lang kay Neo habang nagluluto siya, wala naman akong alam sa pagluluto kaya wala talaga akong maitutulong sa lalaki.




"Do you want me to come with you, babe?" sa baritono niyang boses.




Umiling ako. "No babe" diretso kong sabi. Neo told me that he will be the president of the school for the mean time. I-we-welcome nga daw siya sa Founder's Day bilang bagong presidente ng paaralan. Nakaka proud nga ehh! Dahil sa murang edad niya ay may malaki na siyang hinahawakan na responsibilidad at mga nakamit sa buhay.




"Why?" kunot noong tanong niya.




"Babe, presidente ka ng school tapos yung girlfriend mo estudyante pa. Ang pangit naman sigurong tingnan niyan". Magiging laman talaga ako ng balita kung malalaman nila na boyfriend ko ang President ng school, mapapatawag pa ako sa guidance at higit sa lahat makakaabot ang balita na yun kay Daddy.




"I don't care babe. I'm a proud boyfriend" he shrugged his shoulder before he face the food.



"Pero babe, alam mo naman siguro na hindi pa alam ni Daddy ang tungkol sa atin" mahina kong sabi.



Lumingon ulit ang lalaki sa akin. "I wanted to talk to your Dad...kailan ba uuwi ang daddy mo?"



Umiwas ako ng tingin sa kanya.




"Maybe next month...mabuti nga yung wala siya kasi sa baba ng grades ko malamang sasaktan na naman niya ako" pabulong kong sabi.




Inabot ni Neo ang isang kamay ko, itinaas ko ang tingin sa kanya. May bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha. "When did he start hitting you?" seryoso niyang saad.



Napalunok ako. I'm not really open about how my father abuse me, mga tao lang sa bahay ang nakakaalam. Mga katulong na nakakarinig sa tuwing sisigaw ako sa sakit, si Tatay Karding na minsan pang kinokontra si Daddy, mga gwardiya sa tuwing nakikita nilang pinipilit akong kaladkarin.



Yumuko ako. "5 years old ako" pabulong kong sabi.




"Limang taon pa ako noong una niya akong pinalo ng sinturon dahil hindi ako marunong magbasa...walang araw na hindi ako napapalo noon dahil nakaabang siya lagi sa akin habang tinu-tutor ako...hindi niya ako pinapakain sa tuwing uuwi akong second honor kaya noong elementary ako ay ginugol ko ang libreng panahon sa pag-aaral..."




Unti-unting sumisikip ang dibdib ko. "Inggit na inggit nga ako sa mga batang libreng naglalaro at walang pakealam sa grades nila...I didn't enjoy my childhood babe...kasi sa tuwing naglalaro ako ay palo ang aabutin ko"




Huminga ako ng malalim, nagsisimula ng mangilid ang luha ko.




"Highschool ako when he started hitting me with a baseball bat, kinabukasan ay halos hindi ako makalakad dahil sa sakit ng katawan ko at taas ng lagnat...Only Tatay Karding took good care of me kasi yung mga katulong sa bahay takot kay Daddy"




"Hanggang sa nag college na ako, yun pa rin. Pinapalo pa rin ng bat sa tuwing mababa ang grades ko, sa tuwing hindi ako nag ta-top one, sa tuwing may school events at natatalo ako...." I paused for a while, "Ang obsessed ng Daddy ko sa perpektong anak no?" tears fell from my eyes.




Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now