Chapter 6

8.7K 208 62
                                    

"Your professor send me your grades Bel" he said in his calm voice.

Napadilat ako dahil sa sinabi niya.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng lamesa ni Dad, tinatanggal na naman ang mga kalyo sa gilid ng aking daliri, nagkasugat-sugat na naman ito pero hindi ko na pinansin ang sakit. My hands started to shake because of my nervousness.

"1.75? You almost got 2.0?" he calmly said.

"Dad, nahirapan po kasi ako sa exam"

"Nahirapan? Bakit yung top 1 niyo naka uno? Wala na bang ikakatalino yang ka bobohan mo Bel?"

Natahimik ako saka lumunok. Nagsimulang kumalabog ang puso ko at mangilid ang luha ko sa takot.

"Dad, matalino po kasi talaga si Mayari pati si Kairos"

Tumayo si Daddy mula sa pagkaka-upo sa kanyang swivel chair saka dahan-dahan na lumapit sa akin, dala-dala ang papel na may nilalaman na grado ko sa skwelahan.

"Do not give me excuses Bel, they made it to the top! Habulin mo sila!"

Napapikit-pikit ako ng ilang beses habang sinasampal-sampal niya sa mukha ko ang hawak niyang papel, pinigilan ko ang pag-luha.

Idinutdut ni Dad ang papel sa dibdib ko bago siya padabog na umalis at kumuha ng pamalo sa koleksyon niya.

I closed my eyes hardly, may kulay ube at dilaw na pasa pa ako dahil sa palo niya last week. Hindi pa ito gumagaling pero madadagdagan naman ngayon.

I opened my eyes. Kasabay ng malakas na pagpalo ni Daddy ay ang pagtulo ng aking mga luha.

Napasigaw ako sa sakit, muntik pa akong matumba pero pinili kong maging matatag sa unang palo niya.
Sa pangalawang beses ay natumba na ako. Napasigaw ako ng malakas dahil sa sakit na naidulot nito.

"T-tama na Dad" I cried habang hinahawakan ang bat na pampalo niya sakin, "M-masakit po" hikbi ko.

"Stand up Bel!" si Daddy.

Hindi ako tumayo.

I reached my Dad's hand, "D-dad sorry po"

Iniwas niya kamay niya sa akin at pinilit akong patayuin, he grabbed my arm to pulled me up. Galit na galit si Daddy dahil nagmamatigas ako.

"Ayaw mong tumayo ha!" sigaw ni Daddy.

"D-dad, tama na po! A-ayaw ko na po" iyak ko.

Papaluin na sana ni Daddy ang braso kong hawak niya buti na lang ay may nagbukas ng pinto.

"Sir, tama na po" si Tatay Karding
Hinawakan niya ang kamay ni daddy na may hawak na bat. Dad glared at him pero kalmado pa rin ang mukha ni Tatay.

Tatay went to me and tried to help me stood up, pero bago paman kami nakatayo ay pinalo ni Dad si Tatay Karding.

Napasigaw rin si Tatay Karding sa sakit. Mabilis akong tumayo at niyakap si Tatay Karding para protektahan siya mula sa harap.

"Dad!" pasigaw kong sabi habang nililingon si Daddy.

Galit na galit si Dad na pinalo ako sa likod habang pinprotektahan ko si Tatay Karding. I shouted and cried while he continued hitting me. Di bale na ako matamaan, wag lang si Tatay. Matanda na siya at baka mabali pa ang buto niya.

"T-tama na po Dad" umiiyak kong sabi.

"Magtitino ka na niyan!" si Daddy, tinapon niya sa akin ang bat.

Sinubukan kong umilag pero natamaan na ako sa ulo. Napangiwi ako sa sakit, pero hindi na ako sumigaw.

Mabilis na umalis si Dad sa opisina niya, naiwan kami ni Tatay Karding.

Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now