Chapter 27

8.4K 194 105
                                    

Makalipas ang ilang taon...


L and L Interior Design and Furnitures announces bankruptcy



Kunot noong nanonood si Kairos ng TV sa dirty kitchen nila. Kairos, Mayari and Carlisle went to Cebu to visit me and at the same time to take PLE. May Manila naman pero gusto nila na mag Cebu kasi ayaw kong bumyahe pa Manila at baka makita ko rin si Dad kaya sila na nag adjust pa ra sa akin.



Noong umalis ako sa puder ni Daddy ay lahat ng mga kaklase ko ay pinagtatanungan niya tungkol sa akin. He also hired someone to find me, pero hindi niya ako nahanap because the Martinez did a good job protecting and hiding me. I know his searching for me because of what I got from his office.


"That's your father's business right?" nakakunot pa rin ang noo nito.


I heard a lot about my dad's business, sa loob ng ilang taon ay sari-saring batikos ang kinaharap nila. Ilang beses na rin silang nag announce ng bankruptcy but someone was helping them kaya bumabangon ito...and right now? They are announcing bankruptcy again.


Umiling ako, "Hindi ko na tatay yun. Matagal ng hindi ko siya kilala" tugon ko.

Tumango si Kairos, "May balita ka na ba kay Neo?" he asked.

I swallowed hardly. Pag tungkol sa kanya ang usapan ay wala akong maisasagot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita. Wala na kaming komunikasyon ni Galene, she stopped contacting me two years ago. Kahit ilang beses ko pa siyang ni rakrak sa messenger ay hindi na siya nag rereply.

Maybe Neo doesn't want me anymore. Ilang taon na rin ang dumaan, baka may asawa na siya at mayroong pamilya na.


"Wala ehhh" nagkibit balikat ako saka nagbasa ulit ng notes.


"Wag mo na hanapin iyon, hanap ka ng jowa na marunong magpaalam" sabat ni Carlisle, pawis na pawis ito. Siguro ay kakagaling lang mag boxing sa likod.


"Asan si Mayari?" I asked.


"She's outside talking to Hero."


Kararating lang ng pinsan nina Kairos, naalala ko siya yung pinsan nilang nakilala ko sa family day nila na nag gigitara. Ang sabi ko noon may kamukha siyang artista pero hindi ko maalala ang pangalan, he actually looks like Cris Evans.


I didn't know why Martinez family was so blessed with good genes, lahat sila magaganda, gwapo, matatalino, mayaman at madiskarte sa buhay. Pero sa lahat ng ginawa ng Martinez, there is this one person who stand out and it's Mayari Lucelence.


She's elegant and classy, her brain, beauty and body is jaw dropping. Siya yung tipong kahit titigan mo ng matagal ay hindi ka magsasawa dahil mas lalong gumaganda.


Papalabas na sana ako para puntahan ang babae pero natigil ako ng makita siyang papasok na ng bahay.


"Hero told me na nakita niya si Neo minsan" panimula niya.


Napakurap ako, yung puso ko dumoble ang pintig at nasasabik sa ibabalita ni Mayari.


"Sa isang bar, kissing a woman" lumungkot ang kanyang mukha.



Napalunok ako. Kissing a woman? Huminga ako ng malalim, siguro totoo nga yung iniisip ko. Naka move on na si Neo at tuluyan na niya akong kinalimutan. Hindi kami naghiwalay, kasi umalis lang siya na walang pasabi without breaking up with me pero siguro baka ang ibig sabihin ng pag alis niya ay yun ng hiwalayan ako.


Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें