Chapter 10

9.9K 217 66
                                    

Nag-aabang ako kay Neo sa labas ng gate, hindi makakasama si Tatay dahil tumaas ang blood pressure nito kahapon at nahihilo pa siya sa tuwing tatayo. Alam na ni Neo ang tungkol doon dahil natawagan na siya ni Tatay kaninang umaga, aayaw na sana ako pero nagpumilit si Tatay. Nakakahiya daw kay Neo at sa pamilya ng lalaki.



A Black Jaguar car stopped infront of me, kumunot ang noo ko habang tinititigan ito. Mukha siyang bago dahil makintab ang sasakyan at walang gasgas.





Bumaba ang lalaking nakasakay dito, he's wearing a pink long sleeves naka tupi hanggang siko, bukas ang unang dalawang butones which exposes some parts of his chest naka tucked in ito sa itim na dress pants. Naka leader oxford shoes din siya sa ibaba, his hair was neatly arranged.





Ang sabi niya sa akin ay formal party daw ito dahil sweet sixteen ng nag-iisa niyang kapatid na babae. Pink ang paboritong kulay ng kapatid niya kaya kulay rosas ang naging motif ng party.




Nagsuot lang ako ng kulay pink na A Line Dress at kulay silver na kitten heels, nag make up rin ako ng light at kaunting lipstick. Nag high ponytail lang din ako sa buhok ko at medyo kinulot ang dulo nito.




"Hi!" bati ni Neo sa akin.



"Hi!" binati ko rin siya pabalik.




Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo habang ngumingiti sa isa't-isa, gaya ng dati ay dumoble pa rin ang pintig ng puso ko. Just like what Mayari said hindi ito kagaya ng pagkuha ng pagsusulit, the doubling of its phase makes me feel comfortable and at ease.




I smiled to him sweetly, only Calysto brings that kind of feeling to me. Pero, how about Tan? Umiling ako. Wag ko na muna siya isipin, pupuntahan ko naman siya mamaya at doon ko na titimbangin ang lahat.



"Tara na!" pag aya ni Neo, he opened the passenger seat.



Nginitian ko siya bago ako tuluyang pumasok. Isinara niya ang pinto saka naglakad papuntang driver's seat, inayos ko muna ang seat belt ko bago naupo ng tuwid.



"My sister is excited to meet you"



"Excited rin ako....to meet your sister and your family" I said.



Napatingin siya sa akin halatang nabigla sa sinabi ko. Nginitian ko ulit siya bago umiwas sa kanya ng tingin. Medyo nahiya tuloy ako sa sinabi ko. Ano ba Arthemis?



Nakailang iwas pa ako ng tingin sa kanya bago siya tuluyang nag maneho. Pabaling-baling ako sa harap ng daan at sa bintana malapit sa akin dahil sa nakakabinging katahimikan.



"Gusto mo ba makinig ng music?" Neo asked, napansin siguro niya na medyo kakaiba kinikilos ko.




Tumango ako sa kanya, "Sure!"




Neo started to play a music. Unang rinig ko pa lang ay alam ko na ang pinapatugtog niya, isa ito sa paborito kong kanta at palaging tinutugtog sa tuwing nag-aaral ako.




Now playing: Dandelions by Ruth B.



Napapangiti talaga ako sa tuwing naririnig ko ang kantang 'to. Noong una ay tumatango-tango lang ako at sinasabayan ang music pero kalaunan ay nagsimula na akong mag humming.



"Pwede mo naman kantahin" si Neo.




Napalingon ako sa kanya, nakangisi siya sa akin habang tinititigan ako.



"Pangit yung boses ko ehh"




He chuckled. "Ako lang kasama mo Arthemis, you don't need to be perfect kung ako ang kasama mo."



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon