Chapter 34

9.6K 226 104
                                    

"Uso over working Bel?" bungad sa akin ng lalaki habang papasok ako ng kusina. "Mag chill ka rin minsan"


Inirapan ko siya, "Ba't ka pala na gawi dito? Si Mayari?"



Sumubo ulit siya ng kanin, "Taga dito ako Bel, baka nakalimutan mo. Abala 'yun sa boyfriend niya"


"Boyfriend?" nanlaki ang mata ko "Naaalala na niya si Remus? Nagkabalikan na sila?" agad kong hinila ang silya sa harap ni Kairos saka naupo.


"Hindi pa naman niya  pero nagkabalikan na sila"



"Hmmmmm..." tumango-tango ako, pinagmasdan ko siya habang kumakain. Mukha yatang hindi pa siya natutulog "Nagkita kayo?" kunot noong tanong ko.


Natigil siya sa pagkain saka huminga ng malalim. Sumandal pa siya sa silya, bago ulit dinukot ang kubyertos sa lamesa. Kapag ganito ang ekspresyon niya sa mukha, alam kong hindi maganda ang nangyari.


"I'll see you around" I uttered. The man gave me a nod before I went back upstairs.






Ilang linggo na lang ay uuwi na sina Mayari at Kairos, tinawagan pa nila ako noong nakaraang araw na pwede na daw akong magpahinga pag uwi nila, pero syempre hindi pa rin ako pumayag. I occupy myself with dozens of works, para hindi ko na maisip si Neo.


"Yung ex mo ohh?" turo sa akin ni Garren.



Bumaling lang ako saglit para tingnan sa malayo si Neo, saka hinarap ko rin kaagad si Garren. Matapos noong nag-usap kami ni Neo ay hindi na niya ako pinapansin, at hindi na rin niya ako tinitext o tinatawagan. Mas mainam na rin 'yon para hindi ko na sila magulo.


"Baka susunduin si Dra. Desamito" bulong ko.


"Masakit?" he teased.



"Kaunti, nasasanay na ako" sumimsim ako ng ice coffee.



Araw-araw si Neo sa ospital, kapag uwian ay nakikita ko siyang naka parke sa labas. Nagkakatinginan kami minsan pero siya na mismo ang umiiwas, inasahan ko na ganoon magiging reaksyon niya. Alam kong galit siya at nandidiri sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya noong nakaraan.



I felt that my phone vibrated, kinuha ko kaagad ito sa bulsa ng coat 'kong suot. When I saw Tita Francine's name ay agad-agad ko itong sinagot. Minsan lang kasi siya tumatawag, baka emergency.



"Hello po Tita!" I said. Lumayo pa ako ng ilang metro kay Garren at Carlisle, baka mag-ingay ang dalawa at pagalitan pa ako ni Tita.


"Meet me in my office. I need to talk to you" Tita responded. Pinatay rin kaagad nito ang kanyang tawag kaya nagmadali akong bumalik sa kinaroroonan nina Garren at Carlisle.


"Akyat muna ako ha!"



Tinanguan lang ako ni Carlisle habang sumisimsim ng kape.


"Ingat ka!" paalala ni Garren sa akin.



Tinakbo ko na papasok sa loob para makasakay kaagad ako ng elevator, parang nakagawian ko na nga ang pagtakbo. Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang pamilyar na lalaki, nakatingin siya ng diretso kaya walang ingay na pumasok ako.


"Doc, anong floor po kayo?" masayang tanong sa akin ng isa sa nurse sa ward.


Nginitian ko siya, "Sa 4th floor" niyukuan ko pa siya para magpasalamat.



Titingin na rin sana ako ng diretso pero bigla na lang may tumawag sa akin, akala ko si Tita Francine na naman kaya nagmadali akong sagutin ito. Muntik ko pang mahulog ang cellphone mula sa coat ko dahil sa kakamadali.


Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Kde žijí příběhy. Začni objevovat