Chapter 11

9K 199 130
                                    

Tahimik lang kami ni Neo sa loob ng kotse, nakababa ang bintana naming dalawa dahil nag yoyosi siya. He look stress dahil ni reject ko siya but whenever I asked him he will answer me that he's fine and force himself to smile at me eventhough I know he's obviously not fine. Kitang-kita ko pa rin sa mata niya na nasasaktan siya.


Galing sa birthday ng kapatid niya ay inihatid ako ni Neo diretso sa bar, nag retouch lang ako kanina sa comfort room ng bahay nila bago sumakay ng kotse. I told Neo na sa bahay niya lang ako ihatid but he insisted, gusto niya talaga akong ihatid kaya sumang-ayon ako.

Nasa labas pa lang ako ay naririnig ko na ang malakas na music at hiyawan ng mga tao. Tanaw ko rin ang makukulay na ilaw na nagmula sa loob.



Huminga ako ng malalim bago bumaba ng kotse, hindi ako sanay sa bar dahil ito ang pangalawang beses ko na nagpunta sa ganito klaseng lugar.


Noong una rin akong nagpunta ay sinaktan ako ni Dad pag-uwi ko ng bahay kaya hindi na ako umulit. Siguro naman ngayon ay hindi niya ako sasaktan dahil birthday party ni Tan ang dadaluhan ko, gustong-gusto pa naman niya yung lalaki para sa akin.


"Ayaw mo ba talaga magpasama?" nag aalala na tanong ng lalaki.


I wanted to asked him to go with me kaso napaka sadista ko naman. Kaka reject ko lang sa kanya at isasama ko pa siya sa birthday ng boyfriend ko. Mukha na akong walang puso niyan.


"I'm okay Calysto. Don't worry. You can go now"


He nodded. "Text me when your home"


I nodded. "Text mo rin ako kung nakauwi ka na"

Tumango rin siya saka pinaharurot ang kotse. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

Nang makapasok ay kumunot ang noo ko, I don't really like the vibes of clubbing and going to bar, gagastos ng inumin tapos uuwing isusuka ang ininom. Aksaya lang sa pera. Mas okay pa ako na nasa loob ng bahay at nag-aaral.


I tried calling Tan but he is not answering my calls, sa ingay at lakas ba naman ng loob ng bar ay matatabunan talaga ang tunog ng cellphone.

Nagpalinga-linga ako habang hinahanap kung asan siya nakaupo, I know Tan is here kasi nirentahan niya ang buong bar ng Kuya ni Kairos na si Kyden Loes.

While I was busy finding him, a familiar person bumped me.


"I'm sorry" mahina kong sabi.


"Ohhh...Bel? Kanina ka pa?" he said.


Kumunot ang noo ko. Kilala ko ba 'tong taong 'to? Familiar naman mukha niya, pero parang ngayon ko lang ulit siya nakita. Kaklase ba 'to ni Tan?

"Hinahanap mo si Tan?"

"Ahhh..yeah.." tumango ako.

"Come" pag aya niya.

Sinundan ko naman ang lalaki, ilang beses ko pang naibangga sarili ko sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. Patingin-tingin din ako sa paligid, nagmukha tuloy akong ignorante. Sosyalan talaga ang bar ng kuya ni Kairos, pang mayaman ang ambiance. Siguro ang laki ng na gastos niya dito pati malaki rin kita.

Hindi paman ako nakarating sa kinauupuan nila Tan pero tanaw ko na ang lalaki habang tumatawa ng malakas. Napakunot ang noo ko when I saw someone sitting on his lap, I bit my lower lip slowly. Naka kandong pa talaga?


Nang makarating ako sa harapan ni Tan ay natulala silang lahat, nagulat sila sa pagdating ko. Na estatwa rin ako sa nasaksihan, naglalampungan na si Tan at ang babaeng nakaupo sa kandungan niya, humahagikhik pa ang babae. Nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin, ang katabi naman ni Tan na lalaki ay panay siko na sa lalaki.

Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon