Chapter 17

9K 176 95
                                    

"Ang sexy ng pormahan natin ahh!" pagkantyaw ni Kairos kay Carlisle.





Nasa kotse kami ngayon, nakaupo sa driver's seat si Kairos, sa passenger naman ay si Selene at kami ni Mayari at Carlise sa likod. Papunta kami ngayon sa isang pribadong resort na pagmamay-ari ng Kuya Kyden nila, may dagat daw pero malayo-layo sa villa, ang sabi pa ni Kairos ay pinili ni Kuya Kyden niya ang area na malayo sa dagat.




"Dapat lang...like? Duhh? Magkikita kami ni Sugar Daddy" maarteng saad ni Carlisle.




"May girlfriend na si Kuya hoy!" pag sabat ni Selene.




"Sino?" kunot noong tanong ni Mayari.




"Yung nagpunta noong isang araw sa dinner" si Selene ulit.






Sumimangot ang mukha ni Mayari. "Hindi naman sa nanghuhusga ako ha, pero ang pangit ng ugali nun! Boto pa ako sa sekretarya ni kuya na dating kaklase niya noon"





Napalingon si Carlisle sa kanya at makahulugang tinitigan si Mayari, "Speaking of that Secretary, may anak na pala yun"





"Paano mo nasabi?" si Kairos.





"Nakita ko lang siya sa mall may dala-dala siyang bata"





"Nakita mo lang may dalang bata, anak na kaagad! Ang dumi talaga ng iniisip mo" kunot noong sabi ko sa kanya.





She shrugged her shoulder. "Mag iimbestiga pa ako"





"Tigilan mo yan Carlisle ha! Nakekealam ka ng ibang buhay, masama yan" pangaral ni Mayari.




"Opo, inay" pangantyaw ni Carlisle kay Mayari saka tumawa siya. Lahat tuloy kami napatitig sa kanya, minus 1 million talaga 'to sa langit.







Pareho kaming napanganga ng masilayan namin ang laki at ganda ng sinasabing private resort ni Kuya Kyden, sosyalan ang disenyo ng mga, puno pa ng mga bulaklak ang paligid at ang gaganda ng swimming pool.




"Picture-ran mo ko Pres!" demand ni Carlisle, ibinigay niya sa akin ang Camera niya saka ngumiti.




"Ginawa mo lang naman akong taga picture!" inayos ko ang camera niya saka pinindot ko ito, agad ko naman itong ibinigay sa kanya hindi na ako nagpa-uto.




Ngumuso ang babae sa akin, "Kulang pa Pres!" reklamo niya saka kumamot sa ulo.




"Tara na!" si Kairos, inakbayan niya si Selene at Mayari kaya sumunod na lang din ako sa kanya.





Malayo pa kami sa mismong venue ay narinig ko na ang pagkanta ng banda, may live band yata dito. Ibinaba ko ang tingin at binunot ang cellphone ko.



To: Calysto

Babe, andito na ako sa private resort nila Kairos.


Hindi pa umabot ang isang minuto at nagreply na si Neo.



From: Calysto

Okay babe. I'm on meeting, just continue updating me.



Ngumiti ako.


To: Calysto

I love you babe.


Mabilis namang nag reply ang lalaki.

Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now