Chapter 28

8.4K 179 101
                                    

Tanghali na kaming nakarating sa bahay, habang bumabyahe kami pauwi ay natutulog lang si Mayari at Carlisle, sila kasi yung nasobraan ng alak kagabi. Parehong nakasandal ang dalawang babae sa balikat ni Kairos.


"Magpahinga ka na muna" si Caelum, siya yung nagmamaneho para sa amin. Si Kairos kasi medyo inaantok pa, kaya si Caelum na ang nag boluntaryong ipag maneho kami.


"I'm okay" saad ko.



Hindi na nagsalita ulit si Caelum, nanatili ang kanyang tingin sa daan. Kaya isinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana habang nakikinig ng music. Pagdating namin sa bahay ay iilan lang sa amin ang kumain ng tanghalian.



Wala pang niisa sa amin nina Carlisle, Mayari at Kairos ang nagbukas ng cellphone para tingnan ang result ng board exam. Napagkasunduan kasi nami na mamayang gabi na namin titingnan.


Matapos kumain ay naisipan naming manood ng TV.


"Bagay ba sa akin ang bangs?" pagtatanong niya. Nanonood kaming tatlo ng movie kaya andito kami sa couch nakatambay.



Tumango si Mayari sa kanya, "Try mo"



"Pa salon tayo?" pag aaya ni Carlisle, "Para new look pag uwi sa Manila" wika niya.



Pareho kaming nagtaasan ng kilay ni Mayari. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo bago nakapag desisyon.



"I'm in" si Mayari saka ngumiti ng matamis.



"Ako rin!" wika ko.


Mabilis na pinatay ni Carlisle ang TV para makapagbihis kami. Agad-agad naman kaming nagsipasok sa mga kwarto namin.


I wore a white halter top, sa baba naman ay black short shorts, pati puting sneakers. To complete my look ay nagsuot pa ako ng itim na belt na galing kay Selene. Sinuklay ko ang buhok ko at hinayaang nakadungay ito, tutal naman ay sa Salon kami papunta. I only wore light make up pati nag lipstick lang ako ng kulay pink.



Pagbaba ko ng sala ay nakita ko si Mayari na nakatayo, she's wearing a tangerine puff sleeve crop top, naka blue jeans siya at kulay silver na balerina flats. Mas lalo siya pumuti sa kulay ng kanyang damit. Nag make up lang ng light ang babae, naglagay rin ito ng eyeliner para ma emphasize ang malapusa niyang mata, at brownish-pink ang kulay ng kanyang lipstick. Naka high ponytail ang itim na buhok ng babae, may maliit pa itong ribbon na halos di makita kung nasa malayo ka.




"Si Carlisle?" tanong ko.



Inangat ng babae ang kanyang ulo saka ngumuso sa hagdan ng nilingon ko ito ay nakita kong pababa na si Carlisle. She's wearing a blue satin spaghetti, white denim skirt and a gladiators. Nag light make up lang din siya, at nagsuot ng kulay pulang lipstick. Her hair was neatly arranged, may pa clip pa ito sa magkabilang gilid.


"Tara!" masayang sabi ni Carlisle, pareho niyang hinawakan ang braso namin ni Mayari.



"Nag research ka ba?" si Mayari.



"May naiisip na ako na ako, ehh ikaw?" tanong ko.



"Meron na rin. Pero bahala na sila kung anong style ang gagawin" saka nginitian ako.


Naglalakad kami palabas ng makita naming nag di-diskusyon si Atty. Archi at Atty. Caelum, akala namin may nangyayari ng away pero ng tumawa si Kairos at pumalakpak sa dalawa ay napahinga kami ng malalim.



"Boys! Alis na muna kami!" sigaw ni Carlisle sa tatlong lalaki.




Mabilis silang lumingon sa amin, nakakunot ang noo nito habang tinititigan ang itsura namin.




Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن