WAKAS 1

11.2K 180 67
                                    

First part...

"Ngayon lang naman Calysto, hanggang sa maging maayos na ang kalagayan ng Daddy mo. I'm getting old apo, hindi na rin maayos ang kalusugan ko." my grandfather pleaded.



Napahawak ako sa sentido ko, "Okay fine! But, can I not attend today's pageant?" nagbabakasakali 'kong saad, baka makalusot kay lolo.



Lolo just shook his head, "No! You should attend, judge ka doon. Nakakahiya sa Tita mo kung hindi ka pupunta."




Napabuga ako ng hangin at lumabas na lang mula sa opisina ni Lolo, agad akong pumasok sa banyo para makapagligo na at magbihis kaagad. Ba't ba kailangan ko pa maging hurado sa Mr. At Ms. University na iyan, nagsasayang lang ako ng oras.





I wore a black polo shirt hindi naman siguro kakailanganing maging pormal, black denim pants at brown moccasin shoes. Bumaba kaagad ako at sumakay sa malaki 'kong motor.





Pagdating ko pa lang sa eskwelahan ay dumiretso kaagad ako sa Tita 'ko. Wala naman akong masyadong kilala dito sa Calisto dahil hindi ako nagpupunta dito.



"Neo!" pagtawag sa akin ni Tita, "Pasok ka muna sa opisina, gusto mo bang makita ang mga picture ng kandidata at kandidato?"




Tinanguan ko siya kahit hindi naman ako interesado, mas mabuti na 'yung may pagkaka-abalahan ako habang naghihintay sa oras.



"Eto!" inabot sa akin ni Tita ang iPad niya, tinanggap ko ito kaagad. Sa unang swipe ko ay nakita ko ang mukha ng last year winner, hindi na ako nagulat dahil siya ang girlfriend ni Remus. Sinuri ko ang mukha ng babae, she looks familiar... Parang nagkita na kami ng girlfriend ni Remus noon.



Nagkibit balikat ako at nag swipe ulit... Sa pangalawang larawan ay nakita ko ang kandidata mula sa Nursing Department... Napakunot ang noo ko, her face looks really familiar, parang nagkita na kami nito noon. Sinuri ko ang kanyang larawan, halos magpantay na ang dalawang kilay ko sa pagtitingin nito.



"She's Bel Arthemis Lacsamana, type mo?" my Tita chuckled.



Agad 'kong nailayo ang mukha ko sa litrato at nag swipe na lang din ulit. "She's pretty but not my type." utas ko.




Makahulugang tumango si Tita sa akin. "Hmmm... Tara na?" pag aya niya. Tumalikod agad siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumunod... Pagdating 'ko sa venue ay agad akong sinabitan ng bulaklak, palatandaan bilang hurado.




The emcee welcome us judges, may kaunti pa siyang introduction tungkol sa amin.



"A Civil Engineer, an alumni and the only grandson of our founder, let's welcome Neo Calysto Villanueva!" ang emcee.



Pagtawag sa pangalan ko ay magalang akong tumayo at nginitian ang mga tao sa paligid kahit kaunti lang naman ang nakakakilala sa akin. Pero laking gulat ko nang makarinig ng malakas na hiyawan at sigaw. I just gave them a smile, napailing-iling pa ako bago maupo sa silya.



The candidate started to walk at the ramp... They came from different departments, I was judging fairly when I saw a prepossessing woman walking, smiling confidently as she wave her hand. My heart doubled its phase, she was breathtaking and I am really fascinated by her aura.



"Bel Arthemis Lacsamana, 18, Bachelor of Science in Nursing!" she screamed while smiling, she even winked at my direction. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko pero nang marinig ko ang kantyawan sa likod ay napalingon agad ako. I look at the bunch of boys talking and teasing the last year Mr. University.




Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें