Chapter 2

11.7K 223 38
                                    

Walang gabi akong hindi sapat ang tulog, halos mag sunog na ako ng kilay sa kaka-aral dahil ayaw ko ma disapoint na naman sa akin si Dad.


May return demonstration pa kami bukas, kaya pagkatapos kong aralin ang pharmacology ay mag mememorya na naman ako ng procedures at rationale.



"Gather all equipments near you to save time and energy" I said while memorizing the steps.



Nasa kalagitnaan ako nang pag mememorya ng naramdaman kong nag va-vibrate ang cellphone ko, dinampot ko ito kaagad ng makita kung sino ang tumatawag.



"Magaling ka sa physics noon diba?" bungad niya sa akin sa kabilang linya.



"Ahh...hindi naman...bakit?"



"Turuan mo bukas kapatid ko may hindi siya naintindihan" he said.



Kumunot ang noo ko, "Ehh bakit ako? Ikaw ang engineering sa tin diba?"



"Oo or Yes, pupunta ka. Ise-send ko sayo ang location bukas" pinatayan niya ako kaagad ng cellphone.



I wrinkled my nose while dropping my phone in the bed, may gagawin pa ako bukas. May practical exam pa kami at return demonstration bukas.



Dadagdagan pa ni Tan ang gagawin ko bukas, nakakainis! Sana hindi ko na lang sinagot ang tawag niya.



Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock, unti-unti kong itinaas ang aking ulo.


Napangiwi ako sa sakit ng batok ko, nakatulog akong nakaupo habang nag-aaral. Mahina kong ginalaw ang leeg ko pero masakit pa rin ito, itinaas ko ang aking palapulsuhan para makita ang oras sa relo.



Mag aalas kwatro na pala ng umaga, tumayo ako kaagad at nag inat-inat papunta sa CR para makapag ligo na.



Mabilis akong nagbihis ng puting uniporme at bumaba ng kusina para makapag agahan ng maaga, dala-dala ko ang notes ko para makapag basa ako habang kumakain.



Pagdating ko sa baba, bumungad sa akin ang amoy ng ulam. Dali-dali akong nagpunta sa kusina at niyakap ang likoran ng nagluluto.



"Tatay Karding!" I exclaimed while hugging his back.



Humarap siya sa akin, "Ikaw talaga Neng, ginulat mo ako!"



Tinanggal ko ang kamay sa pagkayakap sa kanya saka nginitian siya, "Ang sarap naman ng niluluto mo Tay." hinawakan ko ang tyan ko "Natatakam na ako!"



Tumawa siya sa akin, ginulo niya lang ang buhok ko saka humarap ulit sa niluluto.



Tatay Karding is cooking ginisang shrimps, paborito ko kasi ito at paborito ko yung luto niya.



Simula ng iwan ako ni Mommy, si Tatay Karding na lagi nagluluto ng agahan para sa akin. Kahit may mga maids sa bahay nag vo-volunteer siya na lutuan ako.



"Upo ka na dun! Ihahain ko na 'to" he said.



Masaya akong naupo sa silya, habang siya naman ay nagmamadaling hainan ako ng ulam at kanin, pinagtimpla niya pa ako mainit na gatas.



"Kain ka na Neng!" sabay bigay niya ng kutsara at tinidor sa akin.



Tinanggap ko ito saka nginisihan siya, "Kain ka na rin Tay!"



Ngumiti siya sa akin bago kumuha ng plato at kutsara, habang sumusubo ako ng kanin ay panay naman si Tay Karding sa paglagay ng nakahimay na hipon sa plato ko.



Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now