Chapter 23

25 5 0
                                    

Neil deactivated his facebook account.

Nalaman ko lang yun nung sumunod na araw at tinanong ako ng mga kaklase ko.

As if I'll know,right? Bakit ako ang tinatanong nila? Bat di si Neil?

Neil came back to being nice and talkative but extra gentleman.

Parang mas lalo siyang naging caring.

That actually made me doubt a bit.

Para siyang pokemon na bigla biglang nage-evolve.

Bigla bigla nalang siyang naga-upgrade at nagbabago.

And he's unusually nicer to our classmates. Kapag tapos ang class ay inaaya niya ako lagi sa simbahan para magdasal.

And one time,nahuli ko siyang umiidlip lang at di naman talaga nagdadasal.

Patagal ng patagal mas nagiging fictional character siya sa paningin. Tipo ng lalaking sa fictional stories ko lang nababasa.

Ewan ko. Gumagana nananam siguro ang pagiging judgemental ko.

Pinapanood ko siyang nirere-write sa comulnar pad yung sagot niya sa activity namin sa Funda. Nasa kalagitnaan na siya ng masanggi ng isa kong kaklase yung upuan niya kaya lumagpas yung pagkakasulat niya sa mga box ng columnar.

"Hala! Sorry, Neil." pagsosorry agad ng kaklase ko.

Nakita ko kung pano umigting ang panga ni Neil at dumaan ang pagkairita sa mata bago tumingala at ngumiti sa kaklase ko.

"Enge akong columnar." nakatawang sagot niya na binigay naman agad ng kaklase mo.

Diba?!! sabi sainyo nakakapanibago eh.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagrere-write sa 16 columns na columnar pero itinawa lang niya?

"Birthday ni Mama bukas. Ayain daw kita."

halos magulantang ako sa sinabi niya habang nag aantay kami kay Kuya Mac sa stage don sa may quadrangle.

"H-Ha?"

"Magla-lunch kami bukas sa mall kasi birthday ni Mama. Isama daw kita....kung okay kang naman sayo." ulit niya.

hala?! bakit kasama ako? ni hindi ko pa nga nakikita ang mama niya kahit kapitbahay lang namin sila.

Chaka family lunch yun. Bakit isasama ako?

The thought of meeting Neil's mom made me blush.

Bakit naman ako magbablush? Eh ipapakilala lang naman ako ni Neil as a friend.

Normal lang siguro yun sa magkakaibigan.

Pero teka? bat kilala ako ng Mama niya at bakit ako niyayaya?

"It's okay kung di ka makakasama---"

pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Baka sabihin ng mama niya paimportante ako.

" M-magpapaalam muna ako kay Mama " sagot ko nalang. Anong gagawin kong pagpapaalam?

" Ma birthday po ng mama ng kaibigan ko,inaaya po ako."

paniguradong ang magiging tanong niya ay "Sinong kaibigan? lalaki ba?bakit ka niyayaya?"

at pag sinabi kong 'oo' malamang di ako papayagan.

Magpatulong kaya ulit ako sa mga kapatid ko? Kung isasama ko siguro si Boni ay papayagan na ako ni Mama. Pero mas weird naman kung isasama ko si Boni eh ako lang ang invited?

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now