Chapter 21

35 5 2
                                    

"Parang tanga naman!" reklamo ni Jerry dahilan kung bakit napalingon kami sakanya at sa tinitingnan ko.

Nagtaka agad ako dahil nagtitimpla lang naman si Jeff ng juice pero iba ang reaksyon nilang lahat.

Agad ko ding naintindihan kung bakit nung makitang pumasok si Jenna ng kwarto na may dalang dalawang bote ng Gin.

"Di ka pwedeng uminom." kalabit sakin ni Neil na nakaupo sa sahig. "Lagot ako kay tita pag inuwi kitang lasing."

Agad na tumango naman ako. Bukod don, hindi pa ako nakakatikim ng alak. Chaka 17 palang ako.

Kahit wine nga hindi pa.

Ano kayang lasa ng alak?

Chaka bakit kaya hinahaluan ng juice? Bat yung red horse naman nakikita ko sa mga tito ko iniinom na agad?

Akala ko yung gin iniinom ng puro tulad ng red horse.

"Iinom ka?"kalabit ko kay Neil.

Nilingon niya ako at ngumuso. "Pwede ba?"

Kumunot ang noo ko kung bakit parang nagpapaalam siya sakin. "Ikaw bahala." sagot ko.

Alam ko naman kasing kahit na yung iba sakanila eh di pa mga legal age ay sanay ng uminom.

Madami akong nakikita sa fb na mga mas bata pa sakin na nasa inuman. Ang alam ko din nung junior high at grade 11 nagkakayayaan mga kaklase ko para mag inuman.

Majority ng friends ko sa fb grabe makapagflex ng mga inuman at alcoholic beverages sa fb kahit na mga minor palang. May mga nakikita pa nga akong mga proud na proud pang may hawak na red horse kahit na mga 14 years old palang.

Di ko alam kung anong nakakaproud don at bakit kailangang iflex sa fb lalo na at minor sila.

Actually di naman ako natutuwa or naiinggit sa mga minors na nasa inuman,may kaakbay, may sigarilyo at sa mga minor na grabe magdamit with caption na "normalize blah blah blah" at "women empowerment"

Alam ko namang ibang iba ang lifestyle ko sakanila pero alam ko naman kung ano ang pinagkaiba ng "bad influence" at "freedom" chaka "women empowerment" at "child pornography"

14 years old, labas cleavage? 14 years old may boyfriend? 14 years old nasa inuman? 14 years old naninigarilyo? 14 years old, proud na pinopost sa socmed ang sex life nila?

Galing ako sa napakaconservative na pamilya, boring, oo, pero thankful ako dahil ako naging katulad nila.

Inalis ko sa isip ko ang mga yun at palihim na pinanood si Neil.

Malakas kayang uminom ni Neil?

Naalala ko yung mga pic na nakita ko sa fb ni Yasmine na puro may kasama siyang ibat-ibang babae sa inuman.

Napangiwi ako dahil kalaswaan na ang sumunod na pumasok sa utak ko.

"Konti lang, promise."

Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagtatype sa laptop.

At ganon nga ang nangyayari. Nagpapasahan sila ng baso habang gumagawa kami ng research.

Suprisingly, kahit na puro sila biruan at tawanan ay tumutulong parin sila.

Hindi ko alam kung epekto ba yun ng alak o talagang ganon sila kaingay. Kahit na walang dahilan ay tawanan sila ng tawanan.

Nang matapos ang research ay naubos din nila ang isang pitsel ng tinimplang gin at juice.

Lumabas kami ni Neil at Venus papuntang kusina para magluto na ng mga snacks namin, habang yung iba ay nililigpit ang kalat namin sa kwarto at inaayos na ang tv para sa panonood ng movie.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now