Chapter 24

26 4 0
                                    

"Apo."

nagiging fire bender nanaman ang muka ko dahil sa kung ano anong sinasabi ni Fely.

Narinig niya kasi kanina usapan namin ni Neil about sa birthday ni Tita Vien.

Kaya tinanong ko siya kung anong magandang iregalo sa mama ni Neil.

"Fely, seryoso kasi." hiyang hiya kong pagsuway kay Fely.

sinamahan niya kasi ako sa Citymall para bumili ng regalo kay Tita. Si Neil kasi ay may meeting sa club nila.

Malapit na magtapos ang meeting nila Neil pero di pa kami nakakabili ni Fely.

"Mare,kung may matres lang ako, ako na magreregalo kay Mama Vien."

hiyang hiya na talaga ako dahil sa lakas ng boses ni Fely ay napapatingin na samin yung ibang namimili.

" Fely! "

" Eto na nga. Magseseryoso na. Kahit na serious naman ako sa apo. " nagflip hair siya sa imaginary hair niya at hinila ako papasok sa Watson.

" Bat kasi kahapon lang sinabi sayo ni Neil?! Oh my Ghad! nakakastress! " reklamo niya habang hinihinla ako papunta sa mga make up. " Mag arrange din kaya ako ng kasal sa simbahan tas last minute ko ding sabihin kay Fafa Neil na magpapakasal kami?" di ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa mga napapatingin samin. Medyo yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan. " Tas sasabihin ko buong life savings ko ang ginastos ko sa kasal para di siya makatanggi. "

Another 10 minutes ay nakapili nadin kami. Matte stick yun na may pagka brown. May tawag don pero di ko alam dahil si Fely ang may hawak non.

Akala ko pipila na kami sa Counter pero hinila niya pa ako papunta sa mga liptint.

"Bessy don't tell me haharap ka sa future mother in law mo na ganyan ang itsura?!" pagalit niya sakin at hinarap ako sa salamin. Napangiwi ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin.

Medyo maputla ang labi, medyo oily nadin ang muka,  medyo magulo ang buhok at malaki ang muka.

Ampangit ko.

"Come here!" Madramang tawag sakin ni Fely. Pinanood ko siyang namili sa mga tester don. Nang may magustuhan at binuksan at pinahid ang brush sa  gilid ng palad.

Hinawakan niya ang baba ko at dinampian ng liptint

"Say Mwah!" utos niya at inulit ulit pa ang exaggerated na "Mwah" niya.

napanguso ako at umiling. Inirapan niya ako at kinulit ng kinulit. Hanggang sa pumayag nalang ako kasi palakas na ng palakas ang boses niya.

"M-mwah!" nahihiya kong gaya at yumuko agad.

"Cute!" pinisil pa ni Fely ang pisngi ko. "Jusko mare, natotomboy ako sayo."

natawa ako dahil ginamit pa niya ang panlalaki niyang boses.

Sabay kaming natawa. Pagkatapos naming magbayad ay hinila niya ako papunta sa mga table sa tapat ng Savemore. Puno na kasi ang Foodcourt.

Pagkaibis ng bag niya naglabas agad siya ng malaking salamin, polbo, suklay at isang pack ng sanrio.

"Magpolbo ka mare." inabot niya sakin ang polbo kaya kahit na nag tataka ay nagpolbo nadin ako.

Habang nagpopolbo ay pumunta siya sa likod ko at sinimulang suklayin ang buhok ko.

Napatingala naman ako sakanya sa gulat.

"Mare, alam kong gwapo ako pero gusto ko din ng gwapo!" maktol niya at tinulak ang ulo ko para mapatalikod ulit sakanya.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now