Chapter 43

22 1 2
                                    

Tanghali na kami natapos mamili. Pagod na pagod akong napasandal sa upuan at dinamdam ang aircon sa Resto na nahanap namin ni Mama.

yung mga pinamili namin ay sinakay na sa jeep na nirentahan at pinauna nang pauwiin.

Hindi pa kami tapos kumain ni mama ay inutusan niya na akong ichat si Kuya Beni para magpasundo kaya no choice ako kundi mag install ulit ng messenger.

Pagkainstall ko ay sunod sunod ang notif kaya inibis ko muna sa lamesa hanggang sa matapos pumasok ng lahat ng notif. Naghahang kasi eh.

Nang matahimik na ay binuksan ko na yung app at agad na nagsalubong ang kilay ng makitang 99+ ang message sa Gc ng section namin at pati sa gc namin nila Fely. May mga kaklase din akong mga di naman ako chinachat dati na nagchachat sakin, tinatanong kung asan daw ba ako at kung bakit ako hindi sumama.

Kelan pa sila nagkapakeelam sa presensya ko?

dahil sa pagtataka ay binuksan ko yung gc nmin ng section. Puro kalokohan lang ang nababasa ko don, mga naghihintayan sa citymall, mga mauuna na daw sa almon, hanggang sa mabasa ko yung chat ng usa kong kaklase

happy birthday @Neil Foster

Dahil ngumunguya pa ako ay nakagat ko ang labi ko at montik nang mabitawan ang phone dahil sa gulat at sakit.

"Ano ba yan, Bianca!" pagalit ni mama nang montik ko nang masiko yung baso.

Pero imbis na pansinin siya ay naglue ang mga mata ko sa screen. Bawat pagscroll ko ay larang pabagal ng pabagal ang tibok ng puso ko.

happy birthday papi @Neil Foster pakagat flisss

hbd mbtc gby @Neil Foster

habadu @Neil Foster

happy birthday pre @Neil Foster

Parang tuluyan nang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang mabasa kung ano ang reply ni Neil

Neil: Salamat

Neil: Tara swimming

"Dumudugo yung labi mo." natauhan lang ako nang maramdaman ang pagpunas ni mama sa labi ko.

Bumalik ang tibok ng puso kk pero sobrang bilis, ang sakit na sa dibdib.

Kaya ba siya nagtatampo kahapon? kaya ba muka siyang disappointed? kaya ba mabilis siyang nainis nung tumanggi ako?

Bakit hindi niya sinabi sakin na birthday niya? Hindi ko naman kasi alam na birthday niya. Kung alam ko lang edi sana kahit na hindi ako payagan ni Mama ay kukuntyabahin ko amg mga kapatid ko makaattend lang sa birthday niya.

Mabilis akong dinapuan ng konsensya at kaba.

Imbis na ichat lang si Kuya ay tinawagan ko na siya.

"Nasa Luz kami. Bilisan mo."

"Bat ba muka kang taranta?!" pagalit sakin ni Mama ng sunod sunod ang naging subo ko para lang maubks na agad yung pagkain ko.

Hindi agad ako nakasagot at uminom muna ng tubig.

"Ma, birthday pala ni Neil ngayon!" hindi ko alam kung bakit sinasabi ko to kay mama pero dahil sa panic ko ay nasabi ko na.

"Naghanda ba siya?" mukang lito pa si mama ng makitang nagpapanic ako.

"Inaya niya ko magswimming pero tumanggi ako kasi pupunta tayo dito. Hindi ko naman kasi alam na birthday niya. Nagkagalit la kami kahapon." tuloy tuloy na kwento ko.

Si mama naman ay mukang lito pa at gulat kung bakit ako nagkuwkento sakanya eh hindi ko naman gawain to.

"Kumalma ka nga. Sumunod ka nalang. Asan ba sila?" tanong ni Mama na agad king sinagot.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now