Chapter 6

45 7 6
                                    

"Find your partner." Utos ng teacher namin kaya nagkagulo na ang room.

Maghihintay nalang sana akong may matira sa mga kaklase ko para maging partner ko pero agad ng may inibis na ¼ paper si Neil sa armchair ko.

"Partner na tayo ah?" Yumuko siya at sinilip ako.

Agad akong umiwas ng tingin. Di alam kung anong sasabihin dahil ako mismo nagulat.

Sanay ako na pag ganitong group yourself eh hihintayin kong yung matitira ang ipapartner sakin. O kaya matagal bago ako makahanap ng partner dahil di naman ako naghahanap, nakakahiya kasi. Hinihintay ko lang na may lumapit sakin. At matagal bago may magtanong sakin at minsan ay wala pa.

Paano ako didistansya sakanya kung bawat activities, bawat break, bawat lunch, bawat pagpasok at uwian, nakabuntot siya sakin?

Di ko alam kung magandang bagay ba yun o hindi eh.

Maganda kasi once sa highschool life ko, naramdaman kong hindi ako nag iisa. Ngayon ko lang to naramdaman. At ngayon ko lang din binigyang pansin.

Masyado akong nasanay na mag isa na nagugulat pa ako ngayong kasama ko siya.

Tumango nalang ako dahil wala na din akong magagawa. Nakakahiya namang tanggihan ko pa siya. Chaka nakasulat na sa ¼ eh.

"You need to write a 500 words essay about the different sides of Abortion."

Agad na may mga pumasok na ideas sa utak ko. Pero kailangan pa naming mag brainstorming ni Neil.

Nagkagulo ang room dahil sa paglalayo layo ng mga kaklase ko.

Nakasiksik kami sa pader ngayon ni Neil. Konting asog lang ay kadikit na namin ang aircon. Sinuot ko ang hoodie ko at tinalikuran ang aircon dahil masakit sa ulo. Mukang napansin niya yun kaya inabot niya ang aircon sa likod ko at tinaas yung mismong dinadaanan ng lamig.

Dahil sa pag abot niya ay nagkalapit ang muka namin.

Pigil hininga ako habang halos magkanda duling duling na sa lapit namin namantalang mukang wala siyang alam sa nagiging epekto ng pagkakalapit namin.

Bakit nga naman siya maapektuhan? kung maapektuhan man siya malamang ilang yun o kaya disgusto.

Kung si Venus sana ang nasa lugar ko malamang namula na siya ng husto.

"A-anong side mo ba sa Abortion? Pro ka ba don o Con?" Tanong ko at sinulyapan siya bago bumaling sa scratch namin..

"Syempre con ako don. You should not kill nga diba" sagot niya. Hindi na pinag isipan pa.

Tumango ako at isinulat yun sa bad sides ng Abortion.

"Ang hirap naman niyan. Pano natin lalagyan yang good sides nayan eh mali naman talaga ang abortion?" Namomroblemang tanong ni Neil.

Inangat ko saglit ang tingin sakanya at nagsalubong agad ang tingin namin.

Ngayon nagdadalawang isip na akong sabihin ang side ko dahil baka iba ang isipin niya sakin lalo na dahil mukang matindi ang stand niya.

Mukang napansin niya ang tingin ko kaya binaba ko ang tingin ko sa papel at pinaglaruan ang ballpen na hawak. Nag iisip kung pano ko sasabihin ang stand ko ng hindi siya naooffend.

Nag iisip pa ako ng magandang words na gagamitin ng inagaw niya sakin yung ballpen at papel.

"Anong stand mo, Bb?"

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba ang totoong stand ko o maki-bandwagon nalang sa stand ng karamihan. Kung makikisali ako sa bandwagon, mas safe don kasi walang babatikos o kokontra sakin.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now