Chapter 1

81 12 24
                                    

"Bianca!!!"

Napabuntong hininga ako at binitawan ang lapis na hawak para puntahan si Mama.

Lumabas ako sa bahay at agad na sumalubong sakin ang maingay na tunog ng mga makina.

"Po?" Tanong ko pagkalapit sakanya.

Nakatayo siya at nakaharap sa lamesa habang hawak ang cutting machine na pinapadaan sa magkakapatong na tela.

"Pakikuha nga ng cellphone ko." Utos niya na hindi ako nililingon.

Pinigilan kong makaramdam ng inis nang makitang nasa gilid lang niya ang cellphone niya.

Walang imik na kinuha ko yun at ibinigay sakanya.

Walang imik din akong bumalik sa pagkakaupo sa sala at hinarap ang dino-drawing ko.

Pinagmasdan ko ang phone ko kung saan andon ang ginagaya kong picture ni Suzuya Juuzou na character sa anime na Tokyo Ghoul.

Nagsimula akong magdrawing ulit pero gigil na binitawan ang lapis nang wala pang limang minuto ay naririnig ko nanaman ang sigaw ni mama.

"Bianca!! Ikuha mo nga kami ng malamig na tubig!!!"

Pumikit ako ng mariin at saglit na kinalma ang inis sa akin.

Bumuntong hininga ako at tumayo ulit para pumunta sa kusina at kumuha ng pitchel at mga baso bago nahihirapang lumabas ng bahay at pumunta sa maliit na tahian namin.

"Buti pa tong anak mo hindi palalabas ng bahay." Sabi ng isa naming mananahi na si Ate Hilda na nakaupo ngayon sa highspeed at naglalagay ng garter sa pajamang pambabae.

"Syempre. Hindi naman niyan gustong lumabas ng bahay." Natutuwang sagot ni Mama.

At tulad ng nakasanayan, tahimik lang ako nang inibis ko ang mga baso at pitchel sa highspeed na wala pang gumagamit.

"Karamihan ng mga kabataan ngayon pakalat kalat sa daan. Mababalitaan mo nalang, mga malalaki na ang tiyan." Sabat ng isa pa naming mananahi na si ate Dyosa.

"Kaya nga eh. Kung makagala akala mo kay yayaman. Buti nalang tong si Bianca lagi lang andito sa bahay." Pagmamalaki ulit ni Mama.

Tahimik akong bumalik sa bahay kahit na rinig parin ang mga papuri sakin ng mga mananahi at ang proud na boses ni mama.

Kakaupo ko palang sa sofa ay sumigaw nanaman si mama.

"Bianca!! Ibili mo nga kami ng meryenda sa labas!!"

Hindi ko na mapigilan ang pagkainis, imbis na sumagot o magdabog, nanggigigil kong pinunit ang drawing na halos hindi pa nangangalahati.

This is me. Bianca.

Bianca na mataba. Bianca na maraming stretch marks. Bianca na introvert. Bianca na walang original friends. Bianca na walang talent. Bianca na hindi nagi-stand out. Bianca na hindi matalino. Bianca na mabait sa harap ng madaming tao.

Hindi ko alam kung nasasabi lang ba nila na mabait ako dahil tahimik ako at lagi lang tahimik na sinusunod ang mga magulang ko o dahil mabait ba talaga ako.



Para akong nakaapak sa ibang mundo pagkalabas ko ng gate namin.

Hindi katulad ng mga normal na kaedadan ko na ineenjoy ang pagiging estudyante sa paggagala at pakikipagbonding sa mga kaibigan, ako ay nananatiling nasa loob ng bahay lang.

Halos lahat ng mga kaedadan ko dito magkakakaibigan, ako lang ang hindi dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay. Di ko nga alam kung kilala ba nila ako eh.

Turn Over A New LeafOnde histórias criam vida. Descubra agora