Chapter 20

29 5 0
                                    

Days passed at biyernes na. Nasa hapag kami ng pamilya ko, hindi kasi ako pinayagan ni Mama na di kumain.

Kanina ko pa hinahanda ang sarili ko para magpaalam. Kanina pa ako ng foformulate ng way para mabuksan ko ang topic tungkol sa research paper namin bukas.

Kaso naduduwag ako.

Kasi alam ko na kapag di ako pinayagan ngayon, magtatampo sakin ang mga kaklase ko.

At isa pa, gusto ko talagang sumama.

Gusto kong sumama. Kaso pano kung di ako payagan?

"Ate diba may project kayo nila Neil bukas?"

Montik na akong masamid sa tanong ni Boni.

Nanlalaki ang matang nilingon ko siya. Muka siyang kambing na ngumunguya.

Pano nalaman nato yung lakad ko bukas?

"Si Pako? Yung andito nung nakaraan?" tanong ni Papa,don ko lang din napansin na nakatuon sakin ang atensyon nilang lahat.

Nang lingunin ko ang mga kapatid ko ay parang lahat sila may alam.

Pano nila nalaman?

"O-opo,Papa." sagot ko at lumingon kay mama,nasabi nadin naman na ni Boni kaya itutuloy ko nalang. "May project po kami sa Immersion, sa bahay po ng kaklase namin gagawin."

Nagsalubong ang kilay ni Mama. "Saan ba yang bahay ng kaklase mo na yan? May lalaki ba kayong kasama?" sunod sunod na tanong niya.

Napalunok naman ako, nagdedelekado. Sa ganyang tono ni mama parang malabong payagan ako.

"Sa Sumacab Sur po. Apat po kagroup kong lalaki, pero tatlo po kaming babae---"

"Bakit hindi nalang kayo dito gumawa? Sabihin mo sakanila dito nalang para di ka na lumabas." utos niya at bumalik na sa pagkain.

Laglag ang balikat na napayuko ako sa plato ko.

Sabi na eh. Di niya ako papayagan.

Pero ayoko. Hinding hindi ako magdadala ng mga kaklase dito.

Siguro ako nalang ang gagawa ng research. Tutal magmomovie marathon sila. Sasabihin ko nalang na ako na gagawa kasi di ako makakapunta.

Sayang. Gusto ko pa naman sumali sa movie marathon na yun.

"Si mama naman ang kj. Payagan mo na si Bianca. Kalapit lapit ng Sumacab eh." pagbibiro ni kuya Beni. Napaangat ako ng tingin sakanya.

"Kaya nga ma. Pauwiin nalang natin ng maaga. Chaka kasama naman niya si Pako eh." dugtong ni Kuya Benson.

mas kumunot ang noo ko ng nagsalita din si Boni.

"Kaya nga ma. Chaka gagawa naman sila ng project eh. Research pa naman yun, baka tanggalin nila sa grupo si ate pag di siya umattend." pagsali ni Boni.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa tatlo. Nagtataka kung bakit tinutulungan nila ako. Nakakapanibago. Usually sila yung mga sulsol kay mama eh. Bat parang mga attorney ko na sila ngayon?

"Kaya nga dito nalang sila gumawa eh. Paglulutuan ko sila ng ulam. Chaka may wifi naman tayo, edi dito sila gumawa." pagmamatigas ni mama chaka tumingin sakin. "I-chat mo na sila, sabihin mo dito nalang kayo gumawa."

Mas lalo akong nalungkot at bumagsak nalang ulit ang mata sa plato.

Di talaga ako makakasama bukas. Hindi siguro talaga para sakin ang mga ganong bagay.

Ako nalang ang gagawa para naman hindi sila masyadong mainis kasi di ako sisipot.

Ibibigay ko nalang kay Neil yung pera bukas.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now