Chapter 34

20 5 0
                                    

"Suyuin mo nalang kasi."

"Panong suyo? hindi ako marunong non."

Kanina pa kami nagbubulungan ni Fely dito sa gilid.

May group activity kasi at nasaktuhang magkagrupo kami. Mabilis kaming natapos sa activity kaya ngayon ay dinadaldal nalang niya ako.

Kanina pa niya sinasabing baka daw nagtatampo si Neil at kulang lang sa lambing.

Bakit siya magtatampo eh wala naman akong matandaang ginawang masama sakanya?

At bakit ko siya lalambingin eh magkaibigan lang kami?

Kinuha niya ang phone ko at nagtipa don.

Allowed kasi kami mag phone pang search sa activity.

'pano manuyo' yung ang tinype niya. Inagaw ko sakanya yung phone at chaka dinagdagan.

Pano manuyo ng kaibigan?

baka kasi mamaya pag hindi namin nilagyan ng kaibigan ay suyuan ng magboyfriend-girlfriend ang lumabas.

Ang unang lumabas ay galing sa Brainly.com.

guys paturo nga pano manuyo ng kaibigang galit

Answer:
Iuntog mo joke,wag mo muna kausapin or kaya bigyan mo pagkain ok na yan

napailing ako dahil hindi naman nakatulong yung nasearch namin.

May makukuha ba kaming matinong sagot dito? duda ako.

"Wag daw munang kausapin. Yun naman ang ginagawa ko." sabi ko pa na hindi niya pinansin at nagscroll lang pababa.

ang sumunod namang result ay galing sa Fb na post.

Turuan kita paano manuyo.

Una, hindi mo kaya kasi mapride kang animal ka.

hindi naman sa mataas ang pride, sadyang di ko lang alam paano manuyo.

Chaka di ko din naman alam kung galit ba siya sakin o talagang wala lang sa mood.

ilang minuto pa kaming nagi-scroll pero puro mga memes at walang sense lang lagi ang result.

Sabi na eh, hindi lahat nasasagot ni Google.

"Ang jejemon naman ng mga to." reklamo ni Fely habang nagbabasa ng convo ng magbesfriend sa fb.

Hinayaan ko nalang dahil mas nalilito pa ako sa mga sinesearch niya.

Ano bang ginagawa pag nanunuyo?

Inaayang kumain?

Ayain ko kaya siyang mag kwek kwek tas libre ko.

Pano kung tanggihan niya ako?

Hanggang sa mag uwian ay nagtatalo parin ang isip ko kung aayain ko ba siya o hindi.

Sa dulo ay di ko din siya nayaya dahil diretso practice na siya sa volleyball. Tas nung uwian naman na sa likod siya sumakay.

Galit siya. Sigurado ako jan.

Iniiwasan niya ako.

Kasi nakikipagbiruan naman siya sa iba pero sakin lagi siyang lumalayo.

Ramdam na ramdam ko ang malamig na trato niya sakin.

Alas dose na mg madaling araw pero di parin ako dinadalaw ng antok.

Galit ba talaga siya? ano ba kasing ginawa ko?

kanina ko pa iniisip ang mga posibleng dahilan kung bakit siya nagalit sakin pero wala talaga akong maisip.

Ayaw na ba niya akong kaibigan? naiinis na ba siya sakin? naiinis na ba siya sa kaboringan ko?

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now