Chapter 30

30 4 0
                                    

Hindi natuloy ang usapan namin dahil sinundo ako nila Mama, saktong nag grocery daw sila.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging thankful dahil di natuloy ang usapan o hindi.

Hindi ako marunong manuyo. Hindi naman kasi ako nagkakaroon ng kagalit. Kapag naman nagkakainisan kami ng mga kapatid ko wala namang suyuang nangyayari, kusa nalang na bati na kami agad.

Kaya di ko alam kung pano ko siya ia-approach tungkol sa nangyari kahapon.

Hindi ako makahanap ng tamang salita na hindi siya maooffend.

Awkward para sakin ang manuyo o manghingi ng sorry.

Kagabi pa ako nakokonsensya, ako na nga ang mali ako pa ang galit.



Tinanggihan ko nadin ang pagpepresinta nila Venus na mag make up sakin.

Bumili nalang ako kanina ng pangkilay at Mascara.

Naubos ang dalawang buwang ipon ko sa isang araw lang.

"Wag ka na mag make up, lipstick nalang." sabi ni Mama ng makitang may dala akong mascara at pangkilay.

"Hayaan mo na ang anak natin. Dalaga na siya." pangongontra sakanya ni Papa at inagaw sa kamay ko ang make up at nilagay sa cart namin.

"Bat dito ka sa supermarket bumibili? Dapat sa Watson nalang." sabi ni Papa na agad na kinontra ni Mama.

"Gastos lang yan. Di mo din naman magagamit, itatambak mo lang yan sa kwarto mo. Isa pang kalat yan."

Ilang minuto pang nagtalo sila Mama at Papa habang nanahimik nalang ako, nahihiya na dahil pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan.

Nang hindi na makayanan ang hiya ay lumapit ako sa cart at akmang kukunin na ang mga make up para ibalik pero pinigilan ako ni Papa.

"Bilin mo anak. " Sabi niya at hinarap ulit si Mama. "Hayaan mo na ang anak natin. Hindi na yan batang bata."

"Anong hindi bata? eh disisyete palang yang anak mo tas hahayaan mong maging pokpok?! "

"Anong pokpok ba? make up lang yan! "

Ilang minuto pa silang nag talo ulit bago nanalo so Papa. Kaso di na sila nagkikibuan ni Mama at halatang galit si mama dahil mabigat bawat hakbang niya.

Naunang maglakad samin si Mama, kahit na di magsalita ay halatang galit.


"Pa, isoli ko nalang kaya." nakokonsensyang sabi ko at akmang kukunin ulit sa cart ang make up pero tinapik niya ang kamay ko.

"Bilin mo. Akong bahala jan sa mama mo." Ginulo niya ang buhok ko at tinuro yung nadaanan naming mga make up stall. "Kumuha ka pa kaya? may lipstick ka na ba? Chaka yung pampapula ng pisngi? pati yung parang gunting sa pilik mata?"

nakokonsensya man dahil pinag awayan pa ng mga magulang ko ay binili ko parin.

Hanggang sa pag uwi namin ay di parin nagkikibuan ang dalawa. Bawat galaw ni Mama mabigat, ramdam ang galit.

Sa takot na baka mapagalitan ako ay nagkulong nalang ako sa kwarto. Nanood ako ng mga tutorial paano mag kilay at magmascara.

Akala ko dati madali lang, ang hirap pala. Para na akong adik dahil nangingitim ang paligid ng mata ko sa paulit ulit na pagbura ng kilay at mascara.

7:30 PM ang call time, 6 palang ayos na ako. Liptint at mascara lang ang ginamit ko. Kahit na anong pilit kong matutong magkilay ay di ko talaga kaya, baka magmuka lang akong clown mamaya pag pinilit ko pa.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now