Chapter 32

22 3 0
                                    

Bukod sa pagbabati at mga revelations ni Neil, isa pa sa mga nakakagulat ay may ilan ding nagyaya saking makipagsayaw. Tulad ngayon, may ITE student na hindi ko kilala sa pangalan pero nakakasalubong ko sa hallway ang nagyayang magsayaw.


Nung una ay di ako maka-oo dahil nahihiya ako, pero dahil ginatungan ng mga pang aasar ng mga kaklase ko ay mas nahiya akong tumanggi.


"Magkaklase tayo nung grade 3 sa San Gregorio." kwento niya.


gulat akong napaisip at inalala kung naging kaklase ko ba talaga siya.


kahit na malabo ay naalala ko nga, napangiti ako at natawa, tumawa din siya ng makita ang reaksyon ko.


Napakamot siya sa batok at mukang nahiya pa, nahiya din ako kaya tumigil ako sa pagtawa. Ang insensitive ko sa part nayun. Baka maoffend siya sa pagtawa ko. Pero ng tiningnan ko namam siya ay malaki naman ang ngisi niya pero halata paring may hiya.


Naalala ko nga, siya yung kaklase ko non na tumae sa cr at nagpahugas sa teacher namin, tapos lumabas sa banyo ng naka hubo kaya nakita namin yung---- basta. After ng taon na yun ay lumipat na siya sa St. Christopher kaya di ko na siya nakita kahit na malapit lang ang St.Christopher Montessori School sa San Gregorio Elementary School.


"Sobrang bilis talagang alalahanin kapag ganong ala-ala, hano?" pagbibiro pa niya kaya natawa nanaman ako.


Pinipilit kong wag matawa pero nangingiti talaga ako.   Naalala ko kalbo pa siya non,bungal at mukang gusgusin. Pero ngayon ang gwapo na niya. Ang bait naman ng puberty sakanya.


"Bata ka pa naman non." nangingiting sabi ko.


nagkukwentuhan kami tungkol sa mga ala-ala namin noong elem. Kinwento din niya kung bakit siya nagtransfer, di naman daw siya nahiya sa pagtae niya, sadyang di niya lang nakayanan ang pambubully sakanya noon nung kaklase naming matangkad.


Nagtatawanan kami habang inaalala ang mga kainosentehan namin noon ng mahagip ng mata ko si Neil na malapit lang samin, may kasayaw siyang sa tingin ko ay grade 7 or grade 8, nakakunot ang noo niya at nakasimangot sakin.


Napawi ang ngiti ko at nilingon ang kasayaw niya. Dahil matangkad siya at maliit ang kasayaw niya, nagmuka silang magkuya. Mag kuya naman talaga dahil baka nga trese or katorse lang ang kasayaw niya.


Stretch na stretch na nga yung braso ng bara para lang makahawa sa balikat ni Neil sa tangkad. Para lang niyang sinasayaw ang bunsong kapatid niya.


tinaasan ko siya ng kilay, pigil ang ngiti sa itsura nila.


"Boyfriend mo?" nabalik ang atensyon ko kay Jack dahil sa tanong niya. Tuluyan na akong napatawa.


Bakit ba inaassume nilang kami ni Neil? ang layo ng agwat namin ah. Hindi naman to fairytale na magkakagusto sa panget ang bida.


"Magkaibigan lang kami. "


tinaasan niya ako ng kilay, parang di naniniwala. "Eto naman parang di kaibigan. Aminin mo na pramis di ko ipagkakalat." biro niya pero alam kong seryoso din siya sa tanong.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now