Chapter 45

37 2 6
                                    

Gabi na at nag ahunan na ang mga kaklase namin, yung iba natulog na , yung iba umuwi na , yung iba nagbabanlaw na, at ang iba ay nasa cottage at nag iinom na.

Habang kami ni Neil ay nagpaiwan sa pool. Nasa hagdan na ulit kami at magkaharap, nagkukwentuhan.

Sobrang tahimik na sa pool at tanging ilaw lang sa gilid ang liwanag. Kami lang dalawa at yung dalawang magjowa ata sa kabilang dulo ng pool ang tao sa malaking pool na to.

"Di ko alam kung kakayanin ko bang mag Accountancy, pero kung di Accountancy, balak kong mag Business Management." kwento niya. Ang sabi niya ay hindi pa daw sumasagi sa isip niya ang college at masyado daw siyang nakafocus sa buhay niya ngayon, pero nung natanong ko siya kanina kung anong course ang kukunin niya ay chaka palang daw niya narealize na malapit na kaming magcollege.

"Sa tingin ko kakayanin mo naman yung Accountancy. Nakakaya mo na nangang magbalance ngayon eh." pangungumbinsi ko sakanya na ikinasingkit ng mata niya sakin.

"Nakakaya ko lang kasi nagpapaturo ako sayo. Pero kung ako lang mag isa, hindi ko alam kung pano ko sisimulan sagutan yun." sagot niya na ikinatawa ko.

"Matutunanan mo din yun. Chaka mas gumaling ka na nga magbalance ngayon kesa nung una na di mo talaga alam."

umiling lang siya kaya hinayaan ko na. Mukang hindi niya talaga gusto ang Accountancy.

"Balak mong magbusiness?" tanong ko ulit na ikinatango niya. "Anong business naman?"

Napaisip siya saglit bago sumagot. "Wala akong balak gumawa ng sarili kong brand, ang naiisip ko lang ngayon ay magfranchise ng fastfood. Ano sa tingin mo ang magandang ifranchise? " tanong niya sakin.

" Joliibee? ewan. Depende. San ka ba magtatayo? " tanong ko.

" Ikaw, sa tingin mo san magandang magtayo? " balik tanong niya na ikinatawa ko.

" Ikaw bahala. Plano mo yan eh. " natatawang sagot ko.

"Pero kasama ka sa plano ko." sagot niya na ikinatulala ko at natauhan din dahil sa pagbilis nanaman ng tibok ng puso ko. "May balak ka bang mag Manila? o dito ka lang sa Sta. Rosa? Depende kung san mo gustong tumira. Okay lang naman ako kahit saan." kung makapag salita siya ay parang sobra niyang pinag isipan yun at matagal nang planado. Sobrnag seryoso niya habang nagsasabi ng plano na para bang matagal na niyang naiisip yun at sobrang daming ideas na pumapasok sa isip niya ngayon.

"Or pwede din naman na kahit na medyo malayo sa bahay natin. Ano sa tingin mo?" kaswal na tanong pa niya at nilingon ako.

inikom ko ang nakauwang kong bibig at itinago sa pagnguso ang kumakawalang ngiti.

"Bakit kasama ako sa plano mo? Hindi nga ako sure kung kilala mo pa ba ako after college." pagbibiro ko para lang mapakalma ang puso pero mukang di naman siya natawa.

"Panong di kita makikilala eh araw araw na tayong magkasama non." sagot niya na para bang common sense nalang yung sagot.

Iniwas ko ang tingin sakanya para itago ang pamumula at kahit na alam ko ang ibig sabihin niya ay nagtanong parin ako.

"Panong araw araw ka jan? Eh may sari-sarili na tayong buhay non. " pinilit kong tumawa para lang maitago ang nararamdaman. "Baka nga anak ka na non at pamilyado na. Tas ako naman baka sa sobrang abala ko sa pagtatrabaho ay tumanda akong dalaga" pagbibiro ko para lang mawala ang kabang nararamdaman pero hindi effective lalo na dahil mukang di niya nagustuhan ang joke ko

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at hinarap yun sakanya. Nang magtama ang paningin namin ay nakita ko kung gano ka sinsero, kadeterminado, at kaseryoso siya sa plano.

Turn Over A New Leafحيث تعيش القصص. اكتشف الآن