Chapter 11

45 9 3
                                    

Sumunod na araw ay maaga akong pumasok kaya hindi ko nakasabay si Neil.

Ewan ko. Simula nung mabasa ko ang mga comments sa dp niya hanggang sa makita ko ang mga picture niya sa fb ay naiilang na ako sakanya.

Kasali ba siya sa frat?

Naninigarilyo ba siya?

May mga tattoo ba talaga siya?

May babae ba siya? Si Yazmine ba? Girlfriend niya ba yun?

Hindi ako halos patulugin ng nga tanong ko.

Ibang iba ang itsura niya noon at ngayon.

Sobrang layo. Kung hindi ko lang nakita ang mga pictures niyang yun ay hindi ko iisiping ganon siya dati.

Dahil hindi ako mapakali sa upuan ay tumayo muna ako at nagpunta sa Cr.

Habang nasa cubicle ay may maiingay na babaeng pumasok sa Cr. At alam ko na agad ang pinag uusapan nila.

"Hindi pa naman pala sila.HAHAHA"

"Kaya nga. Pero kung makadikit at makasunod si Baboy akala mo naman jowa siya!"

"Natawa talaga ako kagabi don. Hindi naman pala sila HAHAHA"

"Hindi PA! ibig sabihin may plano si Neil. Baka nililigawan parin."

"Wow ah! Ganda niya!"

"HAHAHAHA!!!"

"Siguro sawa na si Neil sa magaganda at sexy kaya gusto niyang tumikim ng ibang putahe!"

"At letson ang napili niya? HAHAHAHA"

"HAHAHAHAAHAHA!!!"

Pinunasan ko agad ang isang luhang nakatakas sa mata ko.

Bakit ganon kadali sakanilang magbitaw ng masasakit na salita?

Porket ba magaganda sila? Sexy sila? Kaya ba akala niya may karapatan na silang manlait ng iba?

Akala ko ba Women Empowerment? eh bakit sila pa ang naninira ng confidence ng kapwa nilang babae?

Pero tama naman sila diba? Baboy ako. Letson ako. Hinding hindi ako magugustuhan ni Neil.

Ganon ba ang iniisip ng lahat? na napaka desperado ko? na sunod ako ng sunod kay Neil?

Base sa mga picture niyang nakita ko, ang tipo niya sa babae ay malaki ang boobs, makorte ang katawan at balingkinitan. Gusto din niya yung sexy manamit.

Sobrang layo ko don.

Mataba ako. 31 nga ang bewang ko eh. Malaki ang braso at hita. May stretchmarks. Laging naka panjama at oversize shirt. Introvert. Tahimik. Boring kasama.

Sobrang layo ko kay Yazmine.

Ang layo ko sa tipo niya.

Ilang minuto akong nagtagal sa cubicle. Nakatulala lang ako. Sobrang daming tumatakbo sa ulo ko na hindi ko malaman kung anong uunahin kong isipin.

Yung mga bastos na comments ba? yung mga picture ni Neil? o yung issue na mas lalong kumalat sa school?

Tahimik naman ang buhay ko dati ah. Boring pero hindi ganito kadalas makatanggap ng mga masasakit na salita.

Kinalma ko muna ang sarili bago bumalik sa room.

Nakayuko lang ako tulad mg nakasanayan. Mas natatakot na akong salubungin ang tingin ng kung sino man.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now