Chapter 15

39 7 1
                                    

Nagbihis ako ng simpleng pajama at pastel blue na shirt bago lumabas ng bahay para magpaalam kay Mama.

Naabutan ko si Boni don na nakatambay kasama si Kuya Beni. Parehas silang nakatingin sakin na parang may kakaiba.

Iniwas ko ang tingin sakanila at bumaling kay Mama.

"Ma, punta lang ako saglit kila ate Nene." paalam ko,mabilis ang tibok ng puso.

Katapang ko naman kasi para magyaya ng pictorial kay Neil eh ako nga itong hindi pinapayagan lumabas ng bahay.

"Bakit? Anong gagawin mo don?" wala pa man ay naghihinala na ang boses niya. Parang gusto kong umurong at magkulong nalang ulit sa bahay.

I-chat ko nalang kay si Neil na bukas nalang? Pero nakapangako na ako eh.

"P-picture-an ko lang po si Neil. Assignment po namin sa club." sagot ko.

"Oh? Bakit si Pako pa? Nung nakaraan yung kuya mo ang pinicturan mo diba?" tinalikuran niya ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Pero ramdam ko parin na naghihintay siya ng sagot.

Wala akong maisagot. Pakiramdam ko pag sinabi kong gusto ni Neil na siya ang model ay mag iisip ng di maganda si Mama at mas lalo akong di papayagan.

"Ma di pwedeng maulit." sagot ni Boni na ikinalingon namin pareho ni Mama.

"Oh,edi ikaw naman. O kaya si Benson." sagot ni mama.

Wala ulit akong maisagot dahil tama nga siya.

Ayaw gumana ng utak ko, wala akong maisip na pwedeng idahilan ng hindi nagsisinungaling.

"Nagmodel na ako sa iba, chaka busy si Kuya Benson." walang kahirap hirap na sagot ni Boni. Parang sanay na sanay siya.

"Hay nako. Bat pa kasi yan ang club na kinuha mo? Masyadong demanding! Ano ba yan?! Blah blah blah blah."

Pinakinggan ko kung paano ako pagalitan ni Mama dahil sa pagsali ko sa club. Nanahimik nalang ako at nakinig. Nahihiya sa mga mananahi namin na nakikinig.

Sa huli ay pinayagan niya din ako,kaso ngalang kasama sila Kuya Beni at Boni.

Hindi ko alam kung anong mas okay, ang di ako payagan o ang isama ang mga kapatid ko.

"May tattoo daw?" tanong ni Kuya Beni na nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Napakadaldal mo talaga Boni.

"O-oo kuya" sagot ko ng hindi siya tinitingnan.

Bakas na kasi sa boses niya na hindi siya aprubado don at dismayado siya.

"Madami daw?" tanong niya ulit na ikinatango ko. Pakiramdam ko alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"Baka naman hindi mapagkakatiwalaan yan,Bea?"

Sabi na eh. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago sumagot. "Mabait siya kuya."

Tinitigan niya ako gamit ang nagdududa niyang mata. Mas lalo pang lumakas at mas sumakit ang kabog sa dibdib ko ng matapat na kami sa gate nila Neil.

"Saglit lang ako,dito nalang kayo---"

Hindi ako pinatapos nila Kuya at Boni dahil kumatok na agad sila sa gate.

Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili.

Nakangiting pinagbuksan kami ni Neil ng gate. Nakita ko pa ang paghagod ni kuya Beni sakanya ng tingin na para bang may hinahanap.

Naging awkward ang ngiti ni Neil ng mapansin yun.

Sino bang hindi maaawkwardan don? hagudin ka ng tingin mula ulo hanggang paa ng kapwa mo lalaki?

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now