Chapter 8

35 8 2
                                    

"May try out kami bukas." Bulong sakin ni Neil habang naglelecture kami sa EAPP.

"Good luck!" Sabi ko, hindi siya nililingon dahil aware parin ako sa kahihiyang nangyari kanina.

"Hintayin mo ko bukas." Doon na ako napalingon sakanya na agad naman niyang sinalubong ng ngiti na ikinaiwas ko din. "May utang pa ako sayong Milk tea diba?"

"Hindi naman natin nalaman kung tinumis ba yun o papaitan kaya wala kang utang. Chaka ang tagal na nun ah." Sagot ko at halos mapapikit dahil naisulat ko ang sinabi ko.

Agad kong kinuha ang correction tape at binura ang naisulat kong papaitan.

"Tinumis yun. Sabi ni Venus tinumis daw." Bulong niya ulit na ikinaangat ko ng tingin sakanya tapos ay kay Venus na nasa kabilang row at nakikipagdaldalan sa mga katabi niya.

Nag uusap pala sila?

Abay Bianca malamang! Magkakaklase kayo eh. Chaka anong ineexpect mo? Ikaw lang kinakausap ni Neil? Ang assumera at demanding mo naman!!!

"Baka kasi saglit lang ang meeting namin sa Shutters bukas eh." Pagdadahilan ko which is totoo naman.

Last year yung sinasabi nilang 1 hour na club hour ay nagiging 20-30 mins lang kasi madalas ding hindi umattend ang mga club adviser.

"Edi hintayin mo nalang ako sa Bumbles." Handa na sana akong magdahilan pero inunahan na niya agad. "Pleaseee!!! Bb!! Please!!!"

Wala na! Finish na!!

Sabi na kasing didistansya ako pero magpacute lang siya payag na agad ako.

Napahinga ako ng malalim at ibinalik ang tingin sa binder.

"Magpapaalam ako kay Mama."

Rinig ko ang mahina niyang pagse-celebrate.

Napapangiti nalang ako dahil para siyang nanalo sa lotto pero di pwedeng mag ingay kasi secret lang.

"Pwede mo kong panoodin sa try out pero pwede ding sa Bumbles ka nalang para malamig." Nakangiti parin niyang suggest. Yung ngiti niya nakakahawa kaya nung nilingon ko siya ay nahawa nanaman ako.

"P-papanoorin nalang kita." Sagot ko. Nakakahiya din kasing tumambay sa Bumbles kung wala naman akong bibilin.

Paniguradong isang oras din akong maghihintay, nakakahiya naman kung makikitambay ako don.

"Kung papayagan ako." Habol ko dahil ayaw ko namang umasa siya. Baka mamaya ay hindi nanaman ako payagan ni Mama. Lalo na at paniguradong mang aasar nanaman si Boni mamaya tapos malamang papatulan ko nanaman siya at mahuhuli nanaman kami ni Mama at papagalitan nanaman ako kasi mas matanda ako kay Boni pero pinatulan ko parin si Boni.

"Okay!!!" Maligayang sagot niya.

Kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam na ramdam ko sa aura niya na ang saya saya niya.

Sabay kaming umuwi sa hapong yun. Di muna siya sumama sa gala nila Venus dahil pagod daw siya.

Siguro kinukundisyon din ang sarili para sa try out bukas.

Pagkadating ko palang ay sumigaw na agad si Mama.

"BIANCA PAKAININ MO NGA SI WAYTO!!"

"Ma sino si Wayto?" Tanong ko pagkalapit ko sakanila.

"May bago tayong tuta. Anjan sa likod, tingnan mo!" Excited na sagot niya.

Alam niya kasing sobrang hilig ko sa aso. Kaso kapag naging nakakalakad na yung tuta tas tae na na ng tae kung saan saan ay naasar si mama at pinamimigay nalang.

Turn Over A New LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon