Chapter 31

24 4 2
                                    

"Nakakaasar naman kayo! pati ba naman Acquaintance party need ng ka-duo!" reklamo agad ni Fely ng palapit na kami.


Kinantyawan kami ng mga kaklase namin dahil magkamuka daw kami ng damit ni Neil. Para daw couple outfit.


Ngumingiti nalang ako bilang sagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot sakanila kung sakali.


"Picturan ko kayo, dali!!" Hinila na ako ni Fely ppunta don sa pader na puno ng flowers. May mga nagpipicture pa don kaya naghintay kaming matapos sila.


Hindi pa man nakakaalis yung mga nagpipicture au tinulak na ako ni Fely papunta don, bago pa man ako makapagreklamo ay nasa tabi ko na agad si Neil, nakangiti na at handa ng picturan, kaya ngumiti nalang din ako kahit na nahihiya sa mga naunahan naming pinapanood kami.


"CLOSER!!! ANO BA? CONSERVATIVE NAMAN MASYADO!"


napatakip ako sa muka sa kahihiyan dahil sobramg lakas ng boses ni Fely. Nakita ko pang mas dumami ang mga nanonood na samin.


"Pwede ba kitang akbayan?" bulong ni Neil.


Sinilip ko siya mula sa pagkakatakip ko ng muka at nakitang nakayuko na siya at tutok na tutok sakin ang atensyon


Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko at ang biglaang saboy ng tuwa sa kaloob looban ko.


Kinikilig ba ako?


nahihiya akong napatango at pilit na itinago ang pag ngiti ng malapad.


Napakagat ako ng labi ng maramdaman ang kamay niya sa kaliwang balikat ko, nakadikit na ang kanang balikat ko sa dibdib niya.


Sinubukang kong tumingala para tingnan siya pero nasaktuhang nakayuko din siya at nakatingin sakin.


Para akong nabato sa lapit ng muka namin. Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko at ang adrenaline rush na gumugulo sa sistema ko.


naputol lang ang titigan naman dahil sa pagtili ni Fely.


Nahihiya akong napayuko at pasimpleng inayos ang buhok.


naramdaman ko ang pagtawa ni Neil dahil nakaakbay parin siya sakin. Mas lalo lang akong namula at nahiya.


"Kalalandi niyo!" kinikilig na pang aasar ni Fely.


Sa lakas ng boses siya ay mas marami pang napapatingin samin. Non nalang ulit ako tinamaan ng sobrang hiya dahil madami palang taong nanonood.


"Halika na, sumama ka na sa picture." bakas sa boses ni Neil na nakangiti siya, napakagat ako sa labi dahil nangingiti din ako kahit na nahihiya parin.


Sumali sa picture ni Fely. Nagreklamo pa siya dahil di daw niya maiflex yung outfit niya dahil muka lang daw ang kita pag front siya sa groupie namin kaya nagtawag siya ng kakilala na magpipicture samin.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now