Chapter 12

54 8 5
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nalagay sa sitwasyon na to.

Parang kanina lang ay nagpapatawa ang speaker namin. Tas nagkwento ng mga life experiences niya. Hanggang sa mag iyakan ang mga kasama ko dahil sa mga sinabi ng speaker na...

"...sa mga panahon na sinusuway mo sila, di pinapansin, hindi sinusunod, sinasagot, at hindi pagpapahalaga sa mga bilin nila sayo, magsorry ka. Dahil sobrang swerte mo na may mga magulang ka pa. Lahat ng yan ginawa ko noong kabataan ko. Lahat ng yan ginawa ko sa mga magulang ko. Nung matauhan na ako at gusto ko ng bumawi sa lahat ng mga kasalanan ko, wala na sila. Hindi ko na magagawa dahil huli na. Hindi ko manlang masabi sakanila na, Ma, Pa...sorry. Sorry na masyado akong pasaway. Sorry dahil hindi ko naiparamdam na mahal ko kayo. Ma, Pa...mahal na mahal ko kayo. Gustong gusto kong sabihin sakanila yun ng harapan, pero hindi ko nagawa."

Bato na kung bato pero hindi ako naiyak. Dahil wala naman akong pagsisisi. Ni minsan hindi ko sila sinuway. Kahit na ang mga utos nila ay nagiging dahilan ng pagkawala ng mga kaibigan ko. Hindi ko sila sinagot kahit na asar na asar na ako. At sinusunod ko lahat ng utos nila kahit na may ginagawa akong iba.

Wala akong pagsisisi dahil naging mabuting anak naman ako....siguro?

At ngayon nga, napunta nalang ako sa sitwasyon na nakapabilog kami. Apat kami sa row, kaya apat kaming magkakagrupo.

Ang gagawin namin ngayon ay sharing. Magsheshare kami tungkol sa mga pamilya namin.

Ang kasama ko sa bilog ay si Fely, Venus at si Neil.

At mas lalong hindi ako mapakali dahil ramdam na ramdam ko ang titig sakin ni Neil na nakaupo sa harap ko, katabi si Venus at Fely.

"Ako muna magsheshare!" Pagvovolunteer ni Fely na ikinatango namin. "Typical story ng isang bakla ang istorya ko..." Ngumiti siya pero may lungkot, parang hindi na siya si Fely na maingay at maharot sa room. "...konsehal ang tatay ko, criminology student naman ang kuya ko, si mama naman homokojic..." Lumunok siya na para bang pinipigilan ang pagbabara ng lalamunan pero nagsimula ng tumulo ang luha niya. "....nung malaman ko na bakla ako, nag out ako kay mama. Kasi diba sabi nila tatanggapin ng ina kahit na sino pa man ng anak niya. Kaso iba si mama...sa galit niya at sinampal niya ako at sinabunutan. Tas nagsumbong siya kay Papa kaya binugbog ako ni Papa..."

Napakagat ako sa ibabang labi dahil nagsisimula ng manginig yun.

Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging atmosphere ng sharing na to.

Nung nga nakaraang sharing kasi ay parang wala lang. Hindi naman nago-open ng buo yung mga nakakagrupo ko.

Lagi kong nakikita si Fely bilang maharot at maingay na kaklase. Marami siyang kaibigan dahil masaya siyang kasama, hindi din napipirmi sa upuan dahil dumadayo pa ng daldalan.

Lagi lang siyang nakatawa o mang aasar. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Boses palang niya rinig ko na ang sakit at sama ng loob.

"...tinapon nila ako kila Lolo at Lola...buti nalang sila tanggap ako. Si lolo pa nga bumibili ng make up ko minsan eh. Hindi nila ako sinisisi na naging bakla ako. Kahit na yung mga kaibigan nilang mga tanders din sinasabing salot ako...like duh? Anong tingin nila sa sarili? Solusyon?.."

Hindi ko magawang tumawa dahil ramdam ko na kapag binuka ko ang bibig ko ay maiiyak na ako.

Swerte niya dahil may mga lolo at lola siyang mababait. Hindi naman niya kasi kasalanang bakla siya. At hindi naman kasalanan ang pagiging bakla.

"Ngayon...nakatira parin ako kila lolo. Kasi nung sinubukan kong bumalik sa bahay...." Bigla nalang siyang napahagulgol at tinakpan ang muka niya.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now