Chapter 19

45 7 1
                                    

"Bb back up"

Umalis agad akong mid at pumunta sa turtle kung saan nagkaclash si Ling, Kuf at Helcurt.

Nang magtabi si Kuf at Hecurt at nag ulti ako para talunan silang dalawa, na-stun sila at na-retri ni Ling yung Turtle.

Nagdatingan ang mga kalaban pero papunta palang mga kasama namin.

Sinasapo ko lahat ng tinitira kay Ling kaya pumupula ang ilalim ng buhay ko,meaning ay mas lumalakas ako. Napatay ko si Chang'e, mapapatay ko nadin sana si Kuf kaso naunahan ako ni Helcurt, buti nalang may immortality ako at nabuhay ulit ,hinampas ko agad si Helcurt pero si Ling ang naka last hit. Hinampas ko si Harith kaso natamaan nanaman ako ng sperm ni Selena. Namatay ulit ako dahil binaril ako ni Granger.

Saktong nag second at ulti si Ling sakanila kaya sunod sunod silang namatay. Pag dating ng mga teammates namin ay ubos na silang lahat.

"Nice one bb. Best tank ata to."

Napangiti ako. mas ginaganahang maglaro dahil kanina pa niya ako pinupuri kahit na alam kong mediocore lang ang gaming skills ko. Kahit nga nagiging cause of death niya ako ay hindi siya nagagalit, tinatawanan lang niya.

Kanina pa siya ganito. Pang apat na game na namin pero parang lagi siyang namamangha sa mga heroes ko.

And me bilang uhaw sa papuri, nagpapasikat.

Tinutulungan ko ang Zilong namin magpush sa top nang makita kong naambush si Ling sa bush sa blue buff.

Pinindot ko agad ang ulti ko at inaasinta kung saan ako tatalon.

Pero ang bobo konabitawan ko kaya natalon agad ako.

Namatay si Ling at ako naman ang kinuyog ng mga kalaban. At dahil tank lang ako at walang masyadong damage ,mabilis din akong namatay.

Agad akong nagsorry.

"Ayos lang yan,bb. Babawian natin mamaya yan."

Napanguso ako pero nakokonsensya padin.

Hayst.

Ewan, nung unang mga laro namin lagi akong nagkakamali, siguro kasi napepressure ako na may kalaro ako. Sanay kasi ako na puro pinsan o sila kuya lang kalaro ko.

Pero mabilis din akong naging komportable dahil napakamapagpasensya ni Neil. Kahit ilang beses ko siyang napahamak.

"Last game mo na. 10:25 na oh."

Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko.

10:25 na nga.

"Bb lord sila."

Naglakad na ako papunta sa Lord ng konti nalang ang buhay ng Lord ay tumalon ako.

"You have slain the Lord."

"Nice one Bb! Galing talaga!"

Nakaramdam nanamn ako ng pagkaproud sa sarili. Kahit mukang tanga ay napakalapad na talaga ng ngiti ko

Sumugod agad si Ling pagkatalon ko.

"Enemy has been slain!"

"Double Kill!"

"Triple Kill!"

"Maniac!"

"Neill!! Maniac ka!!" excited na sabi ko kahit obvious naman.

"Bb,grabe ka naman. Disente naman akong lalaki."

Hindi ko agad siya nagets.

Turn Over A New LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon